Mga Awit 138:1-8

  • Kahit mataas ang Diyos, nagmamalasakit siya

    • ‘Sinagot mo ang panalangin ko’ (3)

    • ‘Sa gitna ng panganib, inililigtas mo ako’ (7)

Awit ni David. 138  Pupurihin kita nang buong puso.+ Sa harap ng ibang diyos,Aawit ako ng mga papuri.*   Yuyukod ako nang nakaharap sa iyong banal na templo,*+At pupurihin ko ang pangalan mo+Dahil sa iyong tapat na pag-ibig at katapatan. Dahil dinakila mo ang iyong pananalita at pangalan nang higit sa lahat ng iba pang bagay.*   Nang araw na tumawag ako, sinagot mo ako;+Pinatatag mo ako at pinalakas.+   Pupurihin ka ng lahat ng hari sa lupa, O Jehova,+Dahil maririnig nila ang mga pangakong binitiwan mo.   Aawit sila tungkol sa mga daan ni Jehova,Dahil napakaluwalhati ni Jehova.+   Kahit mataas si Jehova, nagbibigay-pansin siya sa mapagpakumbaba,+Pero ang mapagmataas ay kilala lang niya sa malayo.+   Naglalakad man ako sa gitna ng panganib, iingatan mo ang buhay ko.+ Iniuunat mo ang kamay mo laban sa galit ng mga kaaway ko;Ililigtas ako ng kanang kamay mo.   Tutuparin ni Jehova ang lahat alang-alang sa akin. O Jehova, ang iyong tapat na pag-ibig ay walang hanggan;+Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong kamay.+

Talababa

O posibleng “Laban sa ibang diyos, aawit ako at tutugtog para sa iyo.”
O “santuwaryo.”
O posibleng “dinakila mo ang pananalita mo nang higit sa mismong pangalan mo.”