Mga Awit 20:1-9

  • Pagliligtas sa haring pinili ng Diyos

    • Nagtitiwala ang ilan sa mga karwahe at kabayo, “pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova” (7)

Sa direktor. Awit ni David. 20  Sagutin ka nawa ni Jehova sa araw ng pagdurusa. Ingatan ka nawa ng pangalan ng Diyos ni Jacob.+   Padalhan ka nawa niya ng tulong mula sa banal na lugar+At alalayan ka mula sa Sion.+   Alalahanin niya nawa ang lahat ng iyong handog na kaloobAt malugod na tanggapin* ang iyong handog na sinusunog. (Selah)   Ibigay niya nawa sa iyo ang mga gusto ng puso mo+At pagtagumpayin ang lahat ng plano mo.   Masaya kaming hihiyaw dahil sa pagliligtas mo;+Itataas namin ang aming bandera sa pangalan ng aming Diyos.+ Tuparin nawa ni Jehova ang lahat ng kahilingan mo.   Alam ko na ngayon na inililigtas ni Jehova ang pinili* niya.+ Sinasagot niya ito mula sa kaniyang banal na langitSa pamamagitan ng dakilang pagliligtas* ng kaniyang kanang kamay.+   Ang ilan ay nagtitiwala sa mga karwahe,* at ang iba ay sa mga kabayo,+Pero kami ay tumatawag sa pangalan ni Jehova na aming Diyos.+   Natalo sila at nabuwal,Pero kami ay bumangon at tumayo.+   O Jehova, iligtas mo ang hari!+ Sasagutin niya kami sa araw na humingi kami ng tulong.+

Talababa

Lit., “At ituring na taba.”
O “mga tagumpay.”
Lit., “pinahiran.”
O “karo.”