Mga Awit 24:1-10

  • Pumapasok sa pintuang-daan ang maluwalhating Hari

    • “Kay Jehova ang lupa” (1)

Awit ni David. 24  Kay Jehova ang lupa at ang lahat ng narito,+Ang mabungang lupain at ang mga naninirahan dito.   Dahil ginawa niya ito nang matibay sa mga dagat+At itinayo itong matatag sa mga ilog.   Sino ang makaaakyat sa bundok ni Jehova,+At sino ang makatatayo sa kaniyang banal na lugar?   Ang sinumang walang-sala* at may dalisay na puso,+Na hindi nanunumpa ng kasinungalingan sa Aking pangalan*O nananata nang may panlilinlang.+   Tatanggap siya ng mga pagpapala mula kay Jehova+At ituturing na matuwid ng* kaniyang Diyos ng kaligtasan.+   Ito ang henerasyon ng mga humahanap sa kaniya,Ng mga humahanap sa iyong mukha, O Diyos ni Jacob. (Selah)   Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+Bumukas* kayo, mga lumang pasukan,Para makapasok ang maluwalhating Hari!+   Sino ang maluwalhating Haring ito? Si Jehova na malakas at makapangyarihan,+Si Jehova na hindi matatalo sa digmaan.+   Iangat ninyo ang inyong ulo, mga pintuang-daan;+Bumukas kayo, mga lumang pasukan,Para makapasok ang maluwalhating Hari! 10  Sino siya, ang maluwalhating Haring ito? Si Jehova ng mga hukbo—siya ang maluwalhating Hari.+ (Selah)

Talababa

Lit., “walang-sala ang mga kamay.”
O “Aking buhay.” Tumutukoy sa buhay ni Jehova na ginagamit ng isa sa panunumpa.
O “At ng katarungan mula sa.”
Lit., “Tumaas.”