Mga Awit 29:1-11

  • Makapangyarihan ang tinig ni Jehova

    • Sumamba nang may banal na kasuotan (2)

    • “Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog” (3)

    • Pinalalakas ni Jehova ang bayan niya (11)

Awit ni David. 29  Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya, kayong mga anak ng malalakas,Ibigay ninyo kay Jehova ang nararapat sa kaniya dahil sa kaniyang kaluwalhatian at lakas.+   Ibigay ninyo kay Jehova ang kaluwalhatiang nararapat sa pangalan niya. Yumukod* kayo kay Jehova nang may banal na kasuotan.*   Ang tinig ni Jehova ay naririnig mula sa ibabaw ng mga tubig;Ang tinig ng maluwalhating Diyos ay gaya ng kulog.+ Si Jehova ay nasa ibabaw ng maraming tubig.+   Ang tinig ni Jehova ay makapangyarihan;+Ang tinig ni Jehova ay marilag.   Ang tinig ni Jehova ay bumabali ng mga sedro;Oo, dinudurog ni Jehova ang mga sedro ng Lebanon.+   Pinalulukso niya ang Lebanon* na parang guya,*At ang Sirion+ na gaya ng batang torong-gubat.   Ang tinig ni Jehova ay humahampas na may mga liyab ng apoy;+   Pinanginginig ng tinig ni Jehova ang ilang;+Pinanginginig ni Jehova ang ilang ng Kades.+   Dahil sa tinig ni Jehova, ang mga usa ay nanginginig at napapaanak,At nakakalbo ang kagubatan.+ At ang lahat sa templo niya ay nagsasabi: “Kaluwalhatian!” 10  Nakaupo si Jehova sa kaniyang trono sa ibabaw ng delubyo;*+Nakaluklok si Jehova bilang Hari magpakailanman.+ 11  Bibigyan ni Jehova ng lakas ang bayan niya.+ Pagpapalain ni Jehova ng kapayapaan ang bayan niya.+

Talababa

O “Sumamba.”
O posibleng “dahil sa karilagan ng kabanalan niya.”
Malamang na ang bulubundukin ng Lebanon.
O “batang baka.”
O “karagatan sa langit.”