Mga Awit 58:1-11

  • May Diyos na humahatol sa lupa

    • Panalangin na parusahan ang masasama (6-8)

Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* 58  Makapagsasalita ba kayo ng tungkol sa katuwiran kung mananahimik kayo?+ Makahahatol ba kayo nang tama, kayong mga anak ng tao?+   Hindi, dahil nagpapakana kayo ng kasamaan sa puso ninyo,+At ang mga kamay ninyo ay nagpapalaganap ng karahasan sa lupain.+   Ang masasama ay lumilihis na ng landas* mula pa nang ipanganak;*Sinungaling na sila at matigas ang ulo mula pa nang isilang.   Ang kamandag nila ay gaya ng kamandag ng ahas;+Bingi sila na gaya ng kobra na nagsasara ng tainga.   Hindi ito makikinig sa tinig ng mga engkantador,Gaano man kahusay ang mahika nila.   O Diyos, basagin mo ang mga ngipin nila! Basagin mo ang panga ng mga leong ito, O Jehova!   Mawala nawa sila gaya ng tubig na natutuyo. Baluktutin Niya nawa ang búsog niya at pabagsakin sila ng mga palaso niya.   Maging gaya nawa sila ng susô na natutunaw habang umuusad;Gaya ng sanggol na ipinanganak na patay na hindi makakakita ng araw.   Bago maramdaman ng mga lutuan ninyo ang init ng panggatong,*Ang sariwa at ang nasusunog na sanga ay tatangayin niya, gaya ng hangin ng bagyo.+ 10  Ang matuwid ay magsasaya dahil nakita niya ang paghihiganti;+Ang mga paa niya ay mababasâ ng dugo ng masasama.+ 11  At sasabihin ng mga tao: “Talagang may gantimpala para sa matuwid.+ Talagang may Diyos na humahatol sa lupa.”+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “ay masama na.”
Lit., “mula pa sa sinapupunan.”
O “matinik na halaman.”