Mga Awit 59:1-17

  • Ang Diyos, sanggalang at kanlungan

    • ‘Huwag kang magpakita ng awa sa mga taksil’ (5)

    • “Aawit ako tungkol sa iyong kalakasan” (16)

Sa direktor; sa himig ng “Huwag Mong Ipahamak.” Awit ni David. Miktam.* Nang magsugo si Saul ng mga tauhan para bantayan ang bahay ni David* at patayin siya.+ 59  Iligtas mo ako sa mga kaaway ko, O Diyos ko;+Protektahan mo ako sa mga sumasalakay sa akin.+   Sagipin mo ako mula sa masasama,At iligtas mo ako mula sa mararahas.*   Nag-aabang sila para saktan ako;+Sinasalakay ako ng malalakas na tao,Pero hindi dahil nagrebelde ako o nagkasala,+ O Jehova.   Wala akong ginawang mali, pero tumatakbo sila at naghahandang sumalakay. Dinggin mo ang pagtawag ko at tingnan mo ako.   Dahil ikaw, O Jehova na Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel.+ Gumising ka at tingnan mo ang ginagawa ng lahat ng bansa. Huwag kang magpakita ng awa sa sinumang taksil at masama.+ (Selah)   Bumabalik sila tuwing gabi;+Umaangil* silang gaya ng aso+ at lumilibot sa lunsod.+   Tingnan mo kung ano ang lumalabas* sa mga bibig nila;Ang mga labi nila ay gaya ng espada,+Dahil sinasabi nila: “Sino ang nakikinig?”+   Pero pagtatawanan mo sila, O Jehova;+Hahamakin mo ang lahat ng bansa.+   O aking Kalakasan, maghihintay ako sa iyo;+Dahil ang Diyos ang aking ligtas na kanlungan.*+ 10  Ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig ang tutulong sa akin;+Ipapakita sa akin ng Diyos ang pagbagsak ng mga kalaban ko.+ 11  Huwag mo silang patayin, para hindi makalimot ang bayan ko. Sa pamamagitan ng kapangyarihan mo ay pagala-galain mo sila;Pabagsakin mo sila, O Jehova, ang aming sanggalang.+ 12  Dahil sa kasalanan ng bibig nila, sa pananalita ng mga labi nila,Mabitag nawa sila ng pagmamataas nila,+Dahil sa pagsumpa nila at pagsisinungaling. 13  Sa galit mo ay lipulin mo sila;+Lipulin mo sila para mawala na sila;Ipaalám mo sa kanila na ang Diyos ay namamahala sa Jacob at hanggang sa mga dulo ng lupa.+ (Selah) 14  Bumalik nawa sila sa gabi;Umangil* nawa silang gaya ng aso at lumibot sa lunsod.+ 15  Magpagala-gala nawa sila para humanap ng makakain;+Huwag nawa silang mabusog o makahanap ng matutuluyan. 16  Pero ako, aawit ako tungkol sa iyong kalakasan;+Sa umaga ay masaya kong sasabihin ang tungkol sa iyong tapat na pag-ibig. Dahil ikaw ang aking ligtas na kanlungan+At lugar na matatakbuhan sa panahon ng paghihirap.+ 17  O aking Kalakasan, sa iyo ay aawit ako ng mga papuri,*+Dahil ang Diyos ang aking ligtas na kanlungan, ang Diyos na nagpapakita sa akin ng tapat na pag-ibig.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
Lit., “ang bahay.”
O “mga uhaw sa dugo.”
O “Tumatahol.”
O “bumubukal.”
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O “Tumahol.”
O “aawit ako at tutugtog.”