Mga Awit 6:1-10

  • Paghingi ng tulong

    • Hindi mapupuri ng mga patay ang Diyos (5)

    • Pinakikinggan ng Diyos ang paghingi ng tulong (9)

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas na nakatono sa Seminit.* Awit ni David. 6  O Jehova, huwag mo akong sawayin nang galit ka,At huwag mo akong ituwid nang nagngangalit ka.+   Maawa ka sa akin, O Jehova, dahil nanghihina ako. Pagalingin mo ako, O Jehova,+ dahil nangangatog ang mga buto ko.   Naghihirap ang kalooban ko,+At gusto kong malaman, O Jehova—hanggang kailan?+   Bumalik ka, O Jehova, at sagipin mo ako;+Iligtas mo ako dahil sa iyong tapat na pag-ibig.+   Dahil sa kamatayan, hindi ka na babanggitin,*Sa Libingan,* sino ang pupuri sa iyo?+   Nanghihina na ako sa kalungkutan;+Sa buong magdamag, basang-basa ng luha ang higaan ko;*Bumabaha ng luha sa kama ko.+   Pagod na ang mga mata ko sa pagdadalamhati,+Nanlabo* ito dahil sa lahat ng kaaway ko.   Lumayo kayo sa akin, lahat kayong gumagawa ng masama,Dahil maririnig ni Jehova ang pag-iyak ko.+   Pakikinggan ni Jehova ang paghingi ko ng tulong;+Tatanggapin ni Jehova ang panalangin ko. 10  Mapapahiya at panghihinaan ng loob ang lahat ng kaaway ko;Bigla silang uurong dahil sa kahihiyan.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “maaalaala.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “pinalalangoy ko ang higaan ko.”
O “Tumanda.”