Mga Awit 62:1-12

  • Ang tunay na kaligtasan ay nagmumula sa Diyos

    • “Tahimik akong naghihintay sa Diyos” (1, 5)

    • ‘Ibuhos ninyo sa Diyos ang laman ng puso ninyo’ (8)

    • Ang mga tao ay parang hininga lang (9)

    • Huwag magtiwala sa kayamanan (10)

Sa direktor; sa Jedutun.* Awit ni David. 62  Tahimik akong naghihintay sa Diyos. Siya ang nagliligtas sa akin.+   Siya ang aking bato at tagapagligtas, ang aking ligtas na kanlungan;*+Hindi ako susuray at babagsak.+   Hanggang kailan ninyo sasalakayin ang taong gusto ninyong patayin?+ Mapanganib kayong lahat, gaya ng tagilid na pader,* isang batong pader na malapit nang bumagsak.   Dahil magkakasama silang nagpaplano para pabagsakin siya sa mataas niyang posisyon;Natutuwa silang magsinungaling. Bumibigkas sila ng pagpapala, pero sa loob nila ay sumusumpa sila.+ (Selah)   Tahimik akong naghihintay sa Diyos+Dahil siya ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.+   Siya ang aking bato at tagapagligtas, ang aking ligtas na kanlungan;Hindi ako susuray.+   Nasa Diyos ang aking kaligtasan at kaluwalhatian. Ang aking matibay na bato, ang aking kanlungan, ay ang Diyos.+   Lagi kayong magtiwala sa kaniya, O bayan. Ibuhos ninyo sa kaniya ang laman ng puso ninyo.+ Ang Diyos ay kanlungan natin.+ (Selah)   Ang mga anak ng tao ay parang hininga lang,Ang mga anak ng sangkatauhan ay isang ilusyon.+ Kapag pinagsama-sama sa timbangan, mas magaan pa sila kaysa sa hininga.+ 10  Huwag kayong magtiwala sa pangingikilO umasa sa pagnanakaw. Kapag dumami ang kayamanan ninyo, huwag ninyong ipako rito ang isip* ninyo.+ 11  Dalawang beses kong narinig ang sinabi ng Diyos,Na ang kalakasan ay sa Diyos.+ 12  At nagpapakita ka ng tapat na pag-ibig, O Jehova,+Dahil ginagantihan mo ang bawat isa ayon sa mga ginagawa niya.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “aking mataas at ligtas na lugar.”
O posibleng “Lahat kayo, na para bang isa siyang tagilid na pader.”
Lit., “ituon ang puso.”