Mga Awit 67:1-7

  • Matatakot sa Diyos ang mga tao sa buong lupa

    • Malalaman ng buong lupa ang daan ng Diyos (2)

    • ‘Purihin nawa ng lahat ng bayan ang Diyos’ (3, 5)

    • “Pagpapalain tayo ng Diyos” (6, 7)

Sa direktor; aawitin sa saliw ng mga instrumentong de-kuwerdas. Isang awit. 67  Magpapakita sa atin ang Diyos ng kagandahang-loob at pagpapalain niya tayo;Pasisinagin niya sa atin ang kaniyang mukha+ (Selah)   Para malaman ng buong lupa ang daan mo,+Ng lahat ng bansa ang pagliligtas mo.+   Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.   Magsaya nawa ang mga bansa at humiyaw sa kagalakan,+Dahil hahatulan mo nang may katarungan ang mga bayan.+ Papatnubayan mo ang mga bansa sa lupa. (Selah)   Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos;Purihin ka nawa ng lahat ng bayan.   Ang lupa ay magbibigay ng ani nito;+Pagpapalain tayo ng Diyos, ng ating Diyos.+   Pagpapalain tayo ng Diyos,At matatakot* sa kaniya ang mga tao sa buong lupa.+

Talababa

O “magpaparangal.”