Mga Awit 70:1-5

  • Paghiling ng agarang tulong

    • “Kumilos ka agad para sa akin” (5)

Sa direktor. Awit ni David, para magpaalaala. 70  O Diyos, iligtas mo ako;O Jehova, magmadali ka at tulungan mo ako.+   Mapahiya nawa at mawalan ng dangalAng mga nagtatangka sa buhay ko. Umurong nawa sa kahihiyanAng mga gustong mapahamak ako.   Umurong nawa sa kahihiyanAng mga nagsasabi: “Buti nga sa iyo!”   Pero magalak nawa at magsayaAng mga humahanap sa iyo.+ Lagi nawang sabihin ng mga nananabik sa pagliligtas mo: “Dakilain nawa ang Diyos!”   Pero ako ay walang kalaban-laban at dukha;+O Diyos, kumilos ka agad para sa akin.+ Ikaw ang tumutulong at nagliligtas sa akin;+O Jehova, huwag kang magtagal.+

Talababa