Mga Awit 71:1-24

  • Ang pinagtitiwalaan ng mga may-edad

    • Nagtitiwala sa Diyos mula pa sa pagkabata (5)

    • “Kapag mahina na ako” (9)

    • ‘Tinuruan ako ng Diyos mula pa sa pagkabata’ (17)

71  Sa iyo, O Jehova, ay nanganganlong ako. Huwag nawa akong mapahiya kailanman.+   Iligtas mo ako at sagipin dahil matuwid ka. Pakinggan mo ako* at iligtas.+   Maging batong tanggulan ka para sa akinNa lagi kong mapapasukan. Ipag-utos mo na iligtas ako,Dahil ikaw ang aking malaking bato at ang aking moog.+   O Diyos ko, iligtas mo ako mula sa kamay ng masama,+Mula sa palad ng di-makatarungan at mapang-api.   Dahil ikaw ang pag-asa ko, O Kataas-taasang Panginoong Jehova;Nagtitiwala ako sa iyo mula pa sa pagkabata ko.+   Sa iyo ako sumasandig mula nang ipanganak ako;Ikaw ang kumuha sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina.+ Lagi kitang pinupuri.   Ako ay naging gaya ng isang himala para sa maraming tao,Pero ikaw ang aking matibay na kanlungan.   Ang bibig ko ay punô ng papuri sa iyo;+Buong araw kong sinasabi ang tungkol sa karilagan mo.   Huwag mo akong itakwil kahit matanda na ako;+Huwag mo akong iwan kapag mahina na ako.+ 10  Nagsasalita laban sa akin ang mga kaaway ko,At ang mga gustong pumatay sa akin ay nagsasabuwatan+ 11  At nagsasabi: “Iniwan na siya ng Diyos. Tugisin at hulihin siya, dahil walang magliligtas sa kaniya.”+ 12  O Diyos, huwag kang manatiling malayo sa akin. O Diyos ko, magmadali ka at tulungan mo ako.+ 13  Mapahiya nawa at maglahoAng mga kaaway ko.+ Mabalot nawa ng kahihiyanAng mga gustong magpahamak sa akin.+ 14  Pero ako, patuloy akong maghihintay;Daragdagan ko pa ang papuri ko sa iyo. 15  Buong araw kong isasalaysay ang iyong katuwiran+At ang mga ginawa mong pagliligtas,Kahit napakarami ng mga ito para maabot ng pang-unawa* ko.+ 16  Hahayo ako at sasabihin ko ang tungkol sa makapangyarihan mong mga gawa,O Kataas-taasang Panginoong Jehova;Sasabihin ko ang tungkol sa iyong katuwiran, ang sa iyo lamang. 17  O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata,+At hanggang ngayon ay inihahayag ko ang iyong kamangha-manghang mga gawa.+ 18  O Diyos, kahit tumanda na ako at pumuti na ang buhok, huwag mo akong iwan.+ Hayaan mong sabihin ko sa susunod na henerasyon ang tungkol sa kapangyarihan* moAt ang tungkol sa kalakasan mo sa lahat ng darating.+ 19  Ang iyong katuwiran, O Diyos, ay hanggang sa kaitaasan;+Gumawa ka ng dakilang mga bagay;O Diyos, sino ang tulad mo?+ 20  Kahit ipinaranas mo sa akin ang maraming pagdurusa at kapahamakan,+Ibalik mo ang lakas ko;Iahon mo ako mula sa kailaliman* ng lupa.+ 21  Dagdagan mo nawa ang aking dangal,At protektahan mo ako at aliwin. 22  At pupurihin kita sa saliw ng instrumentong de-kuwerdasDahil sa katapatan mo, O Diyos ko.+ Aawit ako ng mga papuri* sa iyo gamit ang alpa,O Banal ng Israel. 23  Hihiyaw ako sa kagalakan habang umaawit ng mga papuri sa iyo,+Dahil iniligtas* mo ang buhay ko.+ 24  Buong araw kong sasabihin* ang tungkol sa iyong katuwiran,+Dahil ang mga gustong magpahamak sa akin ay mapapahiya at mawawalan ng dangal.+

Talababa

O “Yumuko ka at pakinggan mo ako.”
O “para mabilang.”
Lit., “bisig.”
O “malalim na katubigan.”
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “tinubos.”
O “bubulay-bulayin.”