Mga Awit 79:1-13

  • Panalangin nang salakayin ng mga bansa ang bayan ng Diyos

    • “Hinahamak kami” (4)

    • ‘Tulungan mo kami alang-alang sa iyong pangalan’ (9)

    • “Gantihan mo nang pitong ulit ang kalapít naming mga bansa” (12)

Awit ni Asap.+ 79  O Diyos, sinalakay ng mga bansa ang iyong mana;+Dinungisan nila ang iyong banal na templo;+Ginawa nilang bunton ng guho ang Jerusalem.+   Ang bangkay ng mga lingkod mo ay ipinakain nila sa mga ibon sa langitAt ang laman ng mga tapat sa iyo sa mababangis na hayop sa lupa.+   Ibinuhos nilang parang tubig sa palibot ng Jerusalem ang dugo ng mga tapat,At walang natira para maglibing sa kanila.+   Hinahamak kami ng kalapít na mga bansa;+Tinutuya kami at iniinsulto ng mga nasa palibot namin.   O Jehova, hanggang kailan ka mapopoot? Magpakailanman ba?+ Hanggang kailan magniningas na parang apoy ang galit mo?+   Ibuhos mo ang iyong galit sa mga bansang hindi nakakakilala sa iyoAt sa mga kahariang hindi tumatawag sa pangalan mo.+   Dahil nilamon nila ang JacobAt ginawang tiwangwang ang lupain niya.+   Huwag mo kaming panagutin sa mga pagkakamali ng mga ninuno namin.+ Magpakita ka agad ng awa sa amin,+Dahil lugmok na kami.   Tulungan mo kami, O Diyos na aming tagapagligtas,+Alang-alang sa iyong maluwalhating pangalan;Iligtas mo kami at patawarin* mo ang mga kasalanan namin alang-alang sa iyong pangalan.+ 10  Bakit sasabihin ng mga bansa: “Nasaan ang Diyos nila?”+ Malaman nawa ng mga bansa na ang dumanak na dugo ng mga lingkod mo ay naipaghiganti,At masaksihan nawa namin iyon.+ 11  Pakinggan mo nawa ang pagbubuntonghininga ng bilanggo.+ Gamitin mo ang iyong dakilang kapangyarihan* para iligtas ang buhay ng* mga nahatulan ng kamatayan.*+ 12  Gantihan mo nang pitong ulit ang kalapít naming mga bansa+Dahil sa panghahamak nila sa iyo, O Jehova.+ 13  At kami, ang iyong bayan at ang kawan ng iyong pastulan,+Ay magpapasalamat sa iyo magpakailanman;At pupurihin ka namin sa lahat ng henerasyon.+

Talababa

Lit., “takpan.”
Lit., “bisig.”
O posibleng “para palayain ang.”
Lit., “ang mga anak ng kamatayan.”