Mga Awit 8:1-9

  • Kaluwalhatian ng Diyos at karangalan ng tao

    • “Napakadakila ng pangalan mo!” (1, 9)

    • ‘Ano ang halaga ng hamak na tao?’ (4)

    • Kinoronahan ng karangalan ang tao (5)

Sa direktor; sa Gitit.* Awit ni David. 8  O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa;Ginawa mong mas mataas pa kaysa sa langit ang kaluwalhatian mo!*+   Mula sa bibig ng mga bata at sanggol,+Ipinakita mo ang lakas mo sa mga kalaban mo,Para patahimikin ang kaaway at ang naghihiganti.   Kapag tinitingnan ko ang iyong langit, ang mga gawa ng iyong kamay,*Ang buwan at ang mga bituin na inihanda mo,+   Ano ang hamak na tao para alalahanin mo,At ang anak ng tao para pangalagaan mo?+   Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga tulad-diyos,*At kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan.   Pinamahala mo siya sa mga gawa ng iyong kamay;+Inilagay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya:   Ang lahat ng kawan at mga baka,Pati na ang mga hayop sa parang,+   Ang mga ibon sa langit at ang mga isda sa dagat,Anumang lumalangoy sa karagatan.   O Jehova na Panginoon namin, napakadakila ng pangalan mo sa buong lupa!

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O posibleng “Inihahayag sa kalangitan ang kaluwalhatian mo!”
Lit., “mga daliri.”
O “anghel.”