Mga Awit 82:1-8

  • Maging matuwid sa paghatol

    • Humahatol ang Diyos sa gitna ng “mga diyos” (1)

    • ‘Ipagtanggol ang mahihina’ (3)

    • “Kayo ay mga diyos” (6)

Awit ni Asap.+ 82  Ang Diyos ay pumuwesto sa banal na kapulungan;*+Humahatol siya sa gitna ng mga diyos:*+   “Hanggang kailan kayo hahatol nang walang katarungan+At kakampi sa masasama?+ (Selah)   Ipagtanggol* ninyo ang mahihina at ang mga walang ama.+ Bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang kalaban-laban at dukha.+   Iligtas ninyo ang mahihina at ang mahihirap;Sagipin ninyo sila mula sa kamay ng masasama.”   Wala silang alam, at hindi sila nakauunawa;+Lumalakad sila sa dilim;Nayayanig ang lahat ng pundasyon ng lupa.+   “Sinabi ko, ‘Kayo ay mga diyos,*+Lahat kayo ay mga anak ng Kataas-taasan.   Pero mamamatay kayo gaya ng karaniwang mga tao;+At babagsak kayo gaya ng iba pang matataas na opisyal!’”+   Kumilos ka, O Diyos, at hatulan mo ang lupa,+Dahil ang lahat ng bansa ay sa iyo.

Talababa

O “sa kapulungan ng Diyos.”
O “tulad-diyos.”
O “Hatulan.”
O “tulad-diyos.”