Mga Awit 84:1-12

  • Nananabik sa maringal na tabernakulo ng Diyos

    • Gusto ng Levita na maging gaya ng ibon (3)

    • “Isang araw sa mga looban mo” (10)

    • ‘Ang Diyos ay araw at kalasag’ (11)

Para sa direktor; sa Gitit.* Awit ng mga anak ni Kora.+ 84  Napakaganda ng* iyong maringal na tabernakulo,+O Jehova ng mga hukbo!   Nananabik ako,Nanghihina ako dahil sa pananabik,Sa mga looban ni Jehova.+ Buong puso at buong lakas akong humihiyaw nang may kagalakan sa Diyos na buháy.   Maging ang ibon ay nakakakita roon ng matitirhan,At ang ibong langay-langayan, ng mapamumugaran,Kung saan niya inaalagaan ang mga inakáy niyaMalapit sa iyong maringal na altar, O Jehova ng mga hukbo,Aking Hari at aking Diyos!   Maligaya ang mga nakatira sa bahay mo!+ Patuloy ka nilang pinupuri.+ (Selah)   Maligaya ang mga tao na kumukuha ng lakas sa iyo+At may pusong nakatuon sa mga lansangang-bayan.   Kapag dumadaan sila sa Lambak ng Baca,*Ginagawa nila itong lugar ng mga bukal;At dinaramtan ito ng mga pagpapala ng maagang ulan.*   Lalo silang lumalakas habang naglalakad;+Ang bawat isa ay humaharap sa Diyos sa Sion.   O Jehova na Diyos ng mga hukbo, dinggin mo ang panalangin ko;Pakinggan mo ako, O Diyos ni Jacob. (Selah)   Tingnan mo, aming kalasag+ at aming Diyos,*Tingnan mo ang mukha ng iyong pinili.*+ 10  Dahil ang isang araw sa mga looban mo ay mas mabuti kaysa sa isang libong araw sa ibang lugar!+ Pinili kong tumayo sa pintuan ng bahay ng aking DiyosKaysa tumira sa mga tolda ng masasama. 11  Dahil ang Diyos na Jehova ay araw+ at kalasag;+Nagpapakita siya ng kabaitan at nagbibigay ng kaluwalhatian. Si Jehova ay hindi magkakait ng anumang mabutiSa mga lumalakad nang tapat.+ 12  O Jehova ng mga hukbo,Maligaya ang tao na nagtitiwala sa iyo.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “Mahal na mahal ko ang.”
O posibleng “At dinaramtan ng tagapagturo ang sarili niya ng mga pagpapala.”
O “lambak ng mga halamang baca.”
O posibleng “Tingnan mo ang kalasag namin, O Diyos.”
Lit., “pinahiran.”