Mga Awit 9:1-20

  • Ihayag ang kamangha-manghang mga gawa ng Diyos

    • Si Jehova, isang ligtas na kanlungan (9)

    • Ang nakaaalam sa pangalan ng Diyos ay nagtitiwala sa kaniya (10)

Sa direktor; sa Mut-laben.* Awit ni David. א [Alep] 9  Pupurihin kita, O Jehova, nang buong puso ko;Sasabihin ko ang tungkol sa lahat ng iyong kamangha-manghang gawa.+   Magagalak ako at magsasaya dahil sa iyo;Aawit ako ng papuri* sa pangalan mo, O Kataas-taasan.+ ב [Bet]   Kapag umurong ang mga kaaway ko,+Madadapa sila at mawawala sa harap mo.   Dahil ipinagtanggol mo ako at binigyan ng katarungan;Nakaupo ka sa iyong trono at humahatol nang matuwid.+ ג [Gimel]   Sinaway mo ang mga bansa+ at pinuksa ang masasama;Binura mo ang pangalan nila magpakailanman.   Ang kaaway ay lubusan nang nalipol;Binunot mo ang mga lunsod nila,At hindi na sila maaalaala pa.+ ה [He]   Pero si Jehova ay mananatili sa trono niya magpakailanman;+Itinatag niya nang matibay ang trono niya para sa katarungan.+   Hahatulan niya ang mundo* ayon sa katuwiran;+Maglalapat siya ng matuwid na hatol sa mga bansa.+ ו [Waw]   Si Jehova ay magiging ligtas na kanlungan* para sa mga inaapi,+Isang ligtas na kanlungan sa panahon ng pagdurusa.+ 10  Ang mga nakaaalam sa pangalan mo ay magtitiwala sa iyo;+Hindi mo kailanman iiwan ang mga humahanap sa iyo, O Jehova.+ ז [Zayin] 11  Umawit kayo ng papuri kay Jehova, na naninirahan sa Sion;Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya.+ 12  Dahil naaalaala niya sila at ipaghihiganti niya ang dugo nila;+Hindi niya kalilimutan ang daing ng mga nagdurusa.+ ח [Het] 13  Maawa ka sa akin, O Jehova; tingnan mo ang kalupitan ng mga napopoot sa akin,Ikaw na nag-aahon sa akin mula sa mga pinto ng kamatayan,+ 14  Para maihayag ko sa pintuang-daan ng anak na babae ng Sion+ ang kapuri-puri mong mga gawa,At para magsaya ako dahil sa pagliligtas mo.+ ט [Tet] 15  Nahulog ang mga bansa sa hukay na ginawa nila;Nahuli ang sarili nilang paa sa bitag* na iniumang nila.+ 16  Si Jehova ay nakikilala sa hatol na inilalapat niya.+ Ang masama ay nabibitag sa gawa ng sarili niyang mga kamay.+ Higayon.* (Selah) י [Yod] 17  Ang masasama ay uurong papunta sa Libingan,*Ang lahat ng bansang lumilimot sa Diyos. 18  Pero ang mga dukha ay hindi tuluyang malilimutan;+At hindi maglalaho ang pag-asa ng maaamo.+ כ [Kap] 19  Kumilos ka, O Jehova! Huwag mo nawang hayaang magtagumpay ang hamak na tao laban sa iyo. Mahatulan nawa ang mga bansa sa harap mo.+ 20  Sindakin mo sila, O Jehova,+Ipaalám mo sa mga bansa na sila ay mga tao lang. (Selah)

Talababa

Tingnan sa Glosari.
O “Aawit ako at tutugtog para.”
O “mabungang lupain.”
O “magiging mataas at ligtas na lugar.”
Lit., “lambat.”
Tingnan sa Glosari.
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.