Liham sa mga Taga-Efeso 3:1-21

  • Bahagi ng sagradong lihim ang mga Gentil (1-13)

    • Mga Gentil, kasamang tagapagmana ni Kristo (6)

    • Walang-hanggang layunin ng Diyos (11)

  • Panalangin para magkaroon ng kaunawaan ang mga taga-Efeso (14-21)

3  Dahil dito, akong si Pablo ay bilanggo+ ni Kristo Jesus alang-alang sa inyo na mga tao ng ibang mga bansa.  Siguradong narinig ninyo na ginawa akong katiwala+ ng walang-kapantay na kabaitan ng Diyos alang-alang sa inyo.  Oo, isiniwalat sa akin ng Diyos ang sagradong lihim niya, gaya ng isinulat ko sa maikli noong una.  Kaya kapag binasa ninyo ito, makikita ninyo ang kaalaman ko sa sagradong lihim+ tungkol sa Kristo.  Sa ibang mga henerasyon, hindi isiniwalat sa tao ang lihim na ito na kasinlinaw ng pagsisiwalat ngayon ng espiritu sa banal na mga apostol at mga propeta.+  Ito ang lihim: Ang mga tao ng ibang mga bansa, dahil sa pagiging kaisa ni Kristo Jesus at sa pamamagitan ng mabuting balita, ay magiging kasamang tagapagmana ni Kristo at magiging bahagi rin ng katawan+ at kabahagi namin sa pangako.  Ako ay naging lingkod ng lihim na ito dahil sa walang-kapantay na kabaitan ng Diyos. Ibinigay niya sa akin ang walang-bayad na regalong ito nang bigyan niya ako ng kaniyang kapangyarihan.+  Ibinigay sa akin ang walang-kapantay na kabaitang ito,+ sa akin na mas mababa kaysa sa pinakamababa sa lahat ng banal,+ para maihayag ko sa mga bansa ang mabuting balita tungkol sa di-masukat na kayamanan ng Kristo  at para maipakita sa lahat kung paano pinangangasiwaan* ang sagradong lihim+ na napakatagal na itinago ng Diyos, na lumalang sa lahat ng bagay. 10  Sa gayon, sa pamamagitan ng kongregasyon+ ay maipaaalam ngayon sa mga pamahalaan at awtoridad sa langit ang karunungan ng Diyos na naipapakita sa napakaraming iba’t ibang paraan.+ 11  Kaayon ito ng itinakda Niyang walang-hanggang layunin na may kaugnayan sa Kristo,+ si Jesus na ating Panginoon. 12  Sa pamamagitan niya, nagkaroon tayo ng kalayaan sa pagsasalita at malaya tayong nakalalapit sa Diyos+ dahil sa pananampalataya natin sa kaniya. 13  Kaya pakiusap, huwag kayong masiraan ng loob dahil sa mga paghihirap ko alang-alang sa inyo, dahil para ito sa karangalan ninyo.+ 14  Kaya lumuluhod ako sa harap ng Ama, 15  ang pinagmulan* ng pangalan ng bawat pamilya sa langit at lupa. 16  Ipinapanalangin ko na palakasin sana niya ang inyong puso at isip+ sa pamamagitan ng kapangyarihan ng espiritu niya at ayon sa saganang kaluwalhatian niya, 17  at na sa pamamagitan ng pananampalataya ninyo, manatili sa inyong puso ang pag-ibig at ang Kristo.+ Maging matibay sana ang pagkakaugat ninyo+ at pagkakatatag sa pundasyon+ 18  para lubusan ninyong maintindihan kasama ng lahat ng banal ang lapad at haba at taas at lalim 19  at malaman ninyo ang pag-ibig ng Kristo,+ na nakahihigit sa kaalaman, at sa gayon ay lubusan kayong mapuno ng mga katangiang ibinibigay ng Diyos. 20  Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa atin ng Diyos,+ magagawa niya ang mga bagay na di-hamak na nakahihigit sa lahat ng mahihiling o maiisip natin.+ 21  Kaya sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng kongregasyon at ni Kristo Jesus, sa lahat ng henerasyon magpakailanman. Amen.

Talababa

O “isinisiwalat at isinasagawa.”
O “pinagkakautangan.”