Ezra 2:1-70

  • Listahan ng mga ipinatapon na bumalik (1-67)

    • Mga lingkod sa templo (43-54)

    • Mga anak ng mga lingkod ni Solomon (55-57)

  • Kusang-loob na mga handog para sa templo (68-70)

2  At ito ang mga mamamayan sa nasasakupang distrito, na ipinatapon+ sa Babilonya+ ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya at nang maglaon ay bumalik sa kani-kanilang lunsod sa Jerusalem at Juda.+ 2  Dumating sila kasama nina Zerubabel,+ Jesua,+ Nehemias, Seraias, Reelaias, Mardokeo, Bilsan, Mispar, Bigvai, Rehum, at Baanah. Ito ang bilang ng mga lalaking Israelita na nagsibalik:+ 3  ang mga anak ni Paros, 2,172; 4  ang mga anak ni Sepatias, 372; 5  ang mga anak ni Arah,+ 775; 6  ang mga anak ni Pahat-moab,+ mula sa mga anak ni Jesua at ni Joab, 2,812; 7  ang mga anak ni Elam,+ 1,254; 8  ang mga anak ni Zatu,+ 945; 9  ang mga anak ni Zacai, 760; 10  ang mga anak ni Bani, 642; 11  ang mga anak ni Bebai, 623; 12  ang mga anak ni Azgad, 1,222; 13  ang mga anak ni Adonikam, 666; 14  ang mga anak ni Bigvai, 2,056; 15  ang mga anak ni Adin, 454; 16  ang mga anak ni Ater, mula sa sambahayan ni Hezekias, 98; 17  ang mga anak ni Bezai, 323; 18  ang mga anak ni Jora, 112; 19  ang mga anak ni Hasum,+ 223; 20  ang mga anak ni Gibar,* 95; 21  ang mga taga-Betlehem, 123; 22  ang mga taga-Netopa, 56; 23  ang mga taga-Anatot,+ 128; 24  ang mga taga-Azmavet, 42; 25  ang mga taga-Kiriat-jearim, taga-Kepira, at taga-Beerot, 743; 26  ang mga taga-Rama+ at taga-Geba,+ 621; 27  ang mga taga-Micmas, 122; 28  ang mga taga-Bethel at taga-Ai,+ 223; 29  ang mga taga-Nebo,+ 52; 30  ang mga taga-Magbis,* 156; 31  ang mga anak ng isa pang Elam, 1,254; 32  ang mga anak ni Harim, 320; 33  ang mga taga-Lod, taga-Hadid, at taga-Ono, 725; 34  ang mga taga-Jerico, 345; 35  ang mga taga-Senaa,* 3,630. 36  Ang mga saserdote:+ ang mga anak ni Jedaias+ mula sa sambahayan ni Jesua,+ 973; 37  ang mga anak ni Imer,+ 1,052; 38  ang mga anak ni Pasur,+ 1,247; 39  ang mga anak ni Harim,+ 1,017. 40  Ang mga Levita:+ ang mga anak ni Jesua at ni Kadmiel,+ mula sa mga anak ni Hodavias, 74. 41  Ang mga mang-aawit:+ ang mga anak ni Asap,+ 128. 42  Ang mga anak ng mga bantay ng pintuang-daan:+ ang mga anak ni Salum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon,+ ang mga anak ni Akub,+ ang mga anak ni Hatita, at ang mga anak ni Sobai, lahat-lahat, 139. 43  Ang mga lingkod sa templo:*+ ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasupa, ang mga anak ni Tabaot, 44  ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Siaha, ang mga anak ni Padon, 45  ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Akub, 46  ang mga anak ni Hagab, ang mga anak ni Salmai, ang mga anak ni Hanan, 47  ang mga anak ni Gidel, ang mga anak ni Gahar, ang mga anak ni Reaias, 48  ang mga anak ni Rezin, ang mga anak ni Nekoda, ang mga anak ni Gazam, 49  ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea, ang mga anak ni Besai, 50  ang mga anak ni Asena, ang mga anak ng* Meunim, ang mga anak ni Nepusim, 51  ang mga anak ni Bakbuk, ang mga anak ni Hakupa, ang mga anak ni Harhur, 52  ang mga anak ni Bazlut, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa, 53  ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Temah, 54  ang mga anak ni Nezias, at ang mga anak ni Hatipa. 55  Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon: ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soperet, ang mga anak ni Peruda,+ 56  ang mga anak ni Jaalah, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Gidel, 57  ang mga anak ni Sepatias, ang mga anak ni Hatil, ang mga anak ni Pokeret-hazebaim, at ang mga anak ni Ami. 58  Ang lahat ng lingkod sa templo* at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay 392. 59  At ito ang mga nanggaling sa Tel-mela, Tel-harsa, Kerub, Adon, at Imer, pero hindi nila mapatunayan na Israelita ang kanilang mga ninuno at angkan:+ 60  ang mga anak ni Delaias, ang mga anak ni Tobia, at ang mga anak ni Nekoda, 652. 61  At mula sa mga anak ng mga saserdote: ang mga anak ni Habaias, ang mga anak ni Hakoz,+ at ang mga anak ni Barzilai, na nag-asawa ng isa sa mga anak na babae ni Barzilai+ na Gileadita at tinawag ayon sa pangalan ng kaniyang biyenan. 62  Naghanap sila ng mga dokumentong magpapatunay ng pinanggalingan nilang angkan, pero wala silang nakita, kaya hindi sila naging kuwalipikado bilang saserdote.*+ 63  Sinabi sa kanila ng gobernador* na hindi sila puwedeng kumain ng mga kabanal-banalang bagay+ hanggang sa may dumating na saserdoteng makasasangguni sa Urim at Tumim.*+ 64  Ang buong kongregasyon ay may bilang na 42,360,+ 65  bukod pa sa kanilang mga aliping lalaki at babae na may bilang na 7,337. Mayroon din silang 200 mang-aawit na lalaki at babae. 66  Ang kanilang mga kabayo ay 736, ang kanilang mga mula* ay 245, 67  ang kanilang mga kamelyo ay 435, at ang kanilang mga asno ay 6,720. 68  Pagdating nila sa bahay ni Jehova sa Jerusalem, ang ilan sa mga ulo ng mga angkan ay nagbigay ng kusang-loob na mga handog+ para muling maitayo ang bahay ng tunay na Diyos sa dati nitong lugar.+ 69  Nagbigay sila para sa proyekto ayon sa kaya nila: 61,000 gintong drakma,* 5,000 pilak na mina,*+ at 100 mahahabang damit para sa mga saserdote. 70  At ang mga saserdote, mga Levita, karaniwang mga tao, mga mang-aawit, mga bantay ng pintuang-daan, at mga lingkod sa templo* ay tumira sa kani-kanilang lunsod. Kaya ang lahat ng Israelita ay nanirahan sa kani-kanilang lunsod.+

Talababa

O posibleng “mga taga-Gibar.”
O posibleng “mga anak ni Magbis.”
O posibleng “mga anak ni Senaa.”
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”
O posibleng “mga anak ni.”
O “ng Netineo.” Lit., “ng ibinigay.”
O “hindi sila pinaglingkod bilang saserdote dahil marumi sila.”
O “Tirsata,” titulong Persiano para sa gobernador ng isang distrito.
Tingnan sa Glosari.
Anak ng kabayo at asno.
Isang barya na karaniwang itinutumbas sa gintong darik ng Persia na may timbang na 8.4 g. Iba sa drakma ng Griegong Kasulatan. Tingnan ang Ap. B14.
Sa Hebreong Kasulatan, ang isang mina ay 570 g. Tingnan ang Ap. B14.
O “mga Netineo.” Lit., “mga ibinigay.”