Habakuk 2:1-20
2 Mananatili akong nakatayo sa aking bantayan,+At pupuwesto ako sa balwarte.
Patuloy akong maghihintay para makita kung ano ang gusto niyang sabihin koAt kung ano ang isasagot ko kapag sinaway ako.
2 Pagkatapos ay sinabi ni Jehova sa akin:
“Isulat mo ang pangitain, isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato,+Para madali* itong mabasa ng bumabasa rito nang malakas.+
3 Dahil ang pangitain ay naghihintay pa sa takdang panahon nito,At ito ay nagmamadali papunta sa wakas* nito, at hindi ito magiging kasinungalingan.
Kahit na nagtatagal ito,* patuloy mo itong hintayin!*+
Dahil ito ay tiyak na magkakatotoo.
Hindi ito maaantala!
4 Tingnan mo ang mayabang;Hindi matuwid ang puso niya.
Pero ang matuwid ay mabubuhay sa kaniyang katapatan.*+
5 Dahil taksil ang alak,Tiyak na hindi makukuha ng taong mayabang ang gusto niya.
Matakaw siyang gaya ng Libingan;*Hindi siya nakokontento tulad ng kamatayan.
Patuloy niyang tinitipon ang lahat ng bansaAt binibihag ang lahat ng bayan.+
6 Hindi ba silang lahat ay magsasalita ng kasabihan, ng pasaring, at ng mga palaisipan laban sa kaniya?+
Sasabihin nila:
‘Kaawa-awa ang nagpaparami ng mga bagay na hindi kaniya—Hanggang kailan?—At nagpapalaki ng sarili niyang utang!
7 Hindi ba biglang babangon ang mga pinagkakautangan mo?
Gigising sila at yuyugyugin ka nang malakas,At kukunin nila ang pag-aari mo.+
8 Dahil marami kang bansang sinamsaman,Sasamsaman ka ng lahat ng iba pang bayan,+Dahil sa pagpatay mo ng mga taoAt sa karahasan mo sa lupa,Sa mga lunsod at sa mga nakatira dito.+
9 Kaawa-awa ang nagpapayaman ng kaniyang sambahayan sa masamang paraan,Para mailagay ang pugad niya sa mataas na lugarAt makaligtas sa kapahamakan!
10 Nagplano ka ng kahiya-hiyang bagay laban sa iyong sambahayan.
Sa paglipol sa maraming bayan ay nagkakasala ka sa iyong sarili.+
11 Dahil hihiyaw ang bato mula sa pader,At mula sa kahoy na bubungan ay sasagot ang biga.
12 Kaawa-awa ang nagtatayo ng lunsod sa pamamagitan ng pagpatay,At nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan!
13 Hindi ba dahil kay Jehova ng mga hukbo ay magiging panggatong lang sa apoy ang pinaghirapan ng mga bayan,At mauuwi sa wala ang pinagpaguran ng mga bansa?+
14 Dahil ang lupa ay mapupuno ng kaalaman sa kaluwalhatian ni JehovaGaya ng tubig na tumatakip sa dagat.+
15 Kaawa-awa ang nagbibigay sa mga kasama niya ng maiinom,Na nilalagyan niya ng poot at galit, para malasing silaAt makita niya ang kahubaran nila!
16 Mababalot ka ng kahihiyan sa halip na kaluwalhatian.
Ikaw rin—uminom ka at ilantad mo ang iyong pagiging di-tuli.*
Iinom ka sa kopang nasa kanang kamay ni Jehova,+At tatabunan ng kahihiyan ang iyong kaluwalhatian;
17 Dahil ang karahasang ginawa sa Lebanon ay tatakip sa iyo,At ang paglipol na sumindak sa mga hayop ay sasapit sa iyo,Dahil sa pagpatay mo ng mga taoAt sa karahasan mo sa lupa,Sa mga lunsod at sa mga nakatira dito.+
18 Ano ang silbi ng inukit na imahenKapag naukit na ito ng gumawa nito?
Ano ang silbi ng metal na estatuwa at ng nagtuturo ng kasinungalingan,Kahit nagtitiwala rito ang maygawa nito,Na gumagawa ng mga diyos na pipi at walang silbi?+
19 Kaawa-awa ang nagsasabi sa isang piraso ng kahoy, “Gumising ka!”
O sa isang batong di-nakapagsasalita, “Gising! Turuan mo kami!”
Nababalutan ito ng ginto at pilak,+At hindi ito humihinga.+
20 Pero si Jehova ay nasa kaniyang banal na templo.+
Tumahimik ka sa harap niya, buong lupa!’”+
Talababa
^ O “matatas.”
^ O “katuparan.”
^ O “Kahit na parang nagtatagal ito.”
^ O “hintayin mo ito nang may pananabik!”
^ O posibleng “pananampalataya; paniniwala.”
^ O posibleng “at magpasuray-suray ka.”