Habakuk 3:1-19
3 Ang panalangin ng propetang si Habakuk, isang awit ng pagdadalamhati:
2 O Jehova, nabalitaan ko ang tungkol sa iyo.
Namamangha ako, O Jehova, sa iyong gawa.
Sa takdang panahon* ay muli mong gawin iyon!
Sa takdang panahon* ay ipaalám mo iyon.
Maalaala mo sanang magpakita ng awa sa panahon ng kaguluhan.+
3 Ang Diyos ay nanggaling sa Teman,Ang Banal na Diyos mula sa Bundok Paran.+ (Selah)*
Ang kaluwalhatian niya ay tumakip sa langit;+At napuno ang lupa ng kapurihan niya.
4 Ang kaningningan niya ay gaya ng liwanag.+
May dalawang sinag na lumabas sa kaniyang kamay,Kung saan nakatago ang kaniyang lakas.
5 Nasa unahan niya ang salot,+At nakasunod sa mga paa niya ang nag-aapoy na lagnat.
6 Tumigil siya at niyanig ang lupa.+
Nang tumingin siya, napanginig* niya ang mga bansa.+
Ang napakatatag na mga bundok ay nagkadurog-durog,Ang mga burol na mula pa noong unang panahon ay nagsiyukod.+
Ang mga ito ang kaniyang daan mula pa noong una.
7 Nakakita ako ng kaguluhan sa mga tolda ng Cusan.
Ang mga telang pantolda ng lupain ng Midian ay nanginig.+
8 Sa mga ilog ba, O Jehova,Sa mga ilog ba nag-iinit ang galit mo?
O napopoot ka ba sa dagat?+
Dahil sumakay ka sa iyong mga kabayo;+Ang iyong mga karwahe* ay matagumpay.*+
9 Ang iyong pana ay nakalabas at nakahanda.
Handa nang gawin ng mga pamalo* ang atas nila ayon sa panata.* (Selah)
Biniyak mo ang lupa sa pamamagitan ng mga ilog.
10 Namilipit sa sakit ang kabundukan nang makita ka.+
Bumuhos ang napakalakas na ulan.
Ang kalaliman ay dumagundong.+
Itinaas nito ang mga kamay niya.
11 Ang araw at ang buwan ay hindi umalis sa mataas nitong kinalalagyan.+
Ang iyong mga palaso ay humilagpos na gaya ng liwanag.+
Ang kidlat ng iyong sibat ay napakaliwanag.
12 Naglakad ka sa lupa nang may poot.
Sa galit mo ay tinapak-tapakan* mo ang mga bansa.
13 Lumabas ka para sa kaligtasan ng iyong bayan, para iligtas ang iyong pinili.*
Dinurog mo ang lider* ng bahay ng masasama.
Nawasak ito mula sa pundasyon hanggang sa tuktok.* (Selah)
14 Tinuhog mo ang ulo ng mga mandirigma niya gamit ang sarili niyang sandataNang dumaluhong sila para pangalatin kami.*
Mula sa pinagtataguan nila ay lumalabas sila at tuwang-tuwang nilalamon ang nagdurusa.
15 Sa dagat ay idinaan mo ang iyong mga kabayo,Sa napakaalong dagat.
16 Narinig ko at natakot ako;*Dahil sa tunog ay nanginig ang mga labi ko.
Ang kabulukan ay pumasok sa mga buto ko;+Nangangatog ang mga binti ko.
Pero tahimik akong naghihintay sa araw ng pagdurusa,+Dahil darating ito sa bayang sumasalakay sa amin.
17 Hindi man mamulaklak ang puno ng igos,At hindi mamunga ang punong ubas;Wala mang sumibol na bunga mula sa punong olibo,At walang anihing pagkain sa bukid;*Kahit maglaho ang kawan sa kulungan,At walang mga baka sa mga kural;
18 Magbubunyi pa rin ako dahil kay Jehova;Magsasaya ako dahil sa Diyos na aking tagapagligtas.+
19 Ang Kataas-taasang Panginoong Jehova ang aking lakas;+Ang mga paa ko ay gagawin niyang gaya ng sa mga usaAt palalakarin niya ako sa matataas na lugar.+
Talababa
^ O posibleng “Sa panahon namin.”
^ O posibleng “Sa panahon namin.”
^ Lit., “napalundag.”
^ O “kaligtasan.”
^ O “karo.”
^ O posibleng “palaso.”
^ O posibleng “Nasabi na ang mga panata ng mga tribo.”
^ Lit., “giniik.”
^ Lit., “leeg.”
^ Lit., “ulo.”
^ Lit., “ako,” na kumakatawan sa isang grupo.
^ Lit., “at naligalig ang tiyan ko.”
^ O “hagdan-hagdang lupain.”