Isaias 1:1-31
1 Ang pangitaing nakita ni Isaias*+ na anak ni Amoz may kinalaman sa Juda at Jerusalem noong panahon nina Uzias,+ Jotam,+ Ahaz,+ at Hezekias,+ na mga hari ng Juda:+
2 Dinggin mo, O langit, at pakinggan mo, O lupa,+Dahil sinabi ni Jehova:
“Nagpalaki ako at nag-alaga ng mga anak,+Pero nagrebelde sila sa akin.+
3 Kilalang-kilala ng toro ang bumili sa kaniya,At alam na alam ng asno ang sabsaban ng nagmamay-ari sa kaniya;Pero hindi ako kilala ng Israel,*+Ang sarili kong bayan ay hindi kumikilos nang may kaunawaan.”
4 Kaawa-awa ang makasalanang bansa,+Isang bayang lugmok sa kasalanan,Isang lahi ng masasamang tao, tiwaling mga anak!
Iniwan nila si Jehova;+Nilapastangan nila ang Banal ng Israel;Tinalikuran nila siya.
5 Saan pa ninyo gustong masaktan at patuloy kayong nagrerebelde?+
Napinsala na ang buong ulo ninyo,At may sakit ang buong puso ninyo.+
6 Mula talampakan hanggang ulo, walang bahaging malusog.
May mga galos at mga pasa at sariwang mga sugat—Ang mga ito ay hindi pa nagagamot* o nabebendahan o napalalambot ng langis.+
7 Tiwangwang ang lupain ninyo.
Sunóg ang mga lunsod ninyo.
Harap-harapang nilalamon ng mga dayuhan ang mga bunga ng lupain ninyo.+
Para itong tiwangwang na lupaing winasak ng mga dayuhan.+
8 Ang anak na babae ng Sion ay naiwang gaya ng isang silungan* sa ubasan,Gaya ng isang kubo sa taniman ng pipino,Gaya ng isang lunsod na napapalibutan ng kaaway.+
9 Kung hindi iniligtas ni Jehova ng mga hukbo ang ilan sa atin,Naging gaya na tayo ng SodomaAt naging katulad ng Gomorra.+
10 Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, kayong mga diktador* ng Sodoma.+
Pakinggan ninyo ang kautusan* ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra.+
11 “Ano ang pakinabang ko sa marami ninyong handog?”+ ang sabi ni Jehova.
“Sawa na ako sa inyong mga lalaking tupa bilang handog na sinusunog+ at sa taba ng pinataba ninyong mga hayop,+At hindi ako nalulugod sa dugo+ ng mga batang toro+ at mga kordero* at mga kambing.+
12 Kapag humaharap kayo sa akin,+Sino ang nag-uutos sa inyo na gawin iyan?Niyuyurakan lang ninyo ang mga looban ko.+
13 Tigilan na ninyo ang pagdadala ng walang-kabuluhang handog na mga butil.+
Nasusuklam ako sa mga insenso ninyo.
Mga bagong buwan,+ mga sabbath,+ panawagan para sa mga kombensiyon+—Hindi ko na matiis ang paggamit ninyo ng mahika+ kasabay ng inyong banal na pagtitipon.
14 Napopoot ako* sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga kapistahan.
Naging pabigat sa akin ang mga iyon;Hindi ko na kayang tiisin ang mga iyon.
15 At kapag itinataas ninyo ang inyong mga kamay,Hindi ako tumitingin sa inyo.+
Kahit nananalangin kayo nang maraming ulit,+Hindi ako nakikinig;+Punô ng dugo ang mga kamay ninyo.+
16 Maghugas kayo, linisin ninyo ang inyong sarili;+Alisin ninyo sa paningin ko ang masasama ninyong gawain;Tigilan na ninyo ang paggawa ng masama.+
17 Matuto kayong gumawa ng mabuti; hanapin ninyo ang katarungan,+Ituwid ninyo ang nang-aapi,Ipagtanggol ninyo ang karapatan ng batang walang ama,*At ipaglaban ninyo ang usapin ng biyuda.”+
18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+
“Kahit na ang mga kasalanan ninyo ay gaya ng iskarlata,*Mapapuputi ang mga ito na gaya ng niyebe;+Kahit na simpula ang mga ito ng telang krimson,Magiging simputi ng lana ang mga ito.
19 Kung handa kayong makinig,Kakainin ninyo ang mabubuting bagay sa lupain.+
20 Pero kung tatanggi kayo at magrerebelde,Lalamunin kayo ng espada,+Dahil si Jehova ang nagsabi nito.”
21 Ang tapat na lunsod+ ay naging babaeng bayaran!+
Dati ay katarungan ang namamayani sa kaniya;+Katuwiran ang nakatira noon sa kaniya,+Pero ngayon ay mga mamamatay-tao.+
22 Ang iyong pilak ay naging dumi.*+At ang iyong serbesa* ay may halong tubig.
23 Matigas ang ulo ng iyong matataas na opisyal at kasabuwat sila ng mga magnanakaw.+
Lahat sila ay mahilig sa suhol at naghahabol ng regalo.+
Hindi nila binibigyan ng katarungan ang mga walang ama,*At hindi nakakarating sa kanila ang kaso ng mga biyuda.+
24 Kaya sinabi ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,Ang Makapangyarihan ng Israel:
“Aalisin ko sa harap ko ang mga kalaban ko,At maghihiganti ako sa mga kaaway ko.+
25 Paparusahan kita,Tutunawin ko ang iyong dumi* na parang ginamitan ng lihiya,At aalisin ko ang lahat ng iyong karumihan.+
26 Bibigyan kitang muli ng mga hukom gaya noong unaAt ng mga tagapayo gaya noong pasimula.+
Pagkatapos, tatawagin kang Lunsod ng Katuwiran, Tapat na Bayan.+
27 Tutubusin ang Sion sa pamamagitan ng katarungan,+At ang bayan niyang bumabalik, sa pamamagitan ng katuwiran.
28 Ang mga rebelde at ang mga makasalanan ay pupuksaing magkakasama,+At ang mga umiiwan kay Jehova ay hahantong sa kanilang wakas.+
29 Dahil ikahihiya nila ang matitibay na punong ninasa ninyo,+At mapapahiya kayo dahil sa mga hardin* na pinili ninyo.+
30 Dahil magiging gaya kayo ng malaking puno na ang mga dahon ay natutuyot,+At gaya ng hardin na walang tubig.
31 Ang malakas na tao ay magiging gaya ng mga hibla,*At ang mga gawa niya, gaya ng siklab;Sabay silang magliliyab,At walang sinumang papatay sa apoy.”
Talababa
^ Ibig sabihin, “Pagliligtas ni Jehova.”
^ O “hindi kilala ng Israel ang panginoon nito.”
^ Lit., “napipiga.”
^ O “kubol.”
^ O “tagapamahala.”
^ O “tagubilin.”
^ O “batang tupa.”
^ O “ng ulila.”
^ O “matingkad na pula.”
^ Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
^ O “serbesang trigo.”
^ O “mga ulila.”
^ Ang salitang Hebreo ay tumutukoy sa duming humihiwalay sa metal kapag tinunaw.
^ Malamang na mga puno at hardin na may kaugnayan sa pagsamba sa idolo.
^ Hibla na madaling magliyab.