Isaias 10:1-34

  • Ang kamay ng Diyos laban sa Israel (1-4)

  • Asirya—pamalo ng Diyos na nagpapakita ng galit niya (5-11)

  • Parusa sa Asirya (12-19)

  • Isang nalabi ng Jacob ang babalik (20-27)

  • Hahatulan ng Diyos ang Asirya (28-34)

10  Kaawa-awa ang mga gumagawa ng nakapipinsalang mga tuntunin+At laging sumusulat ng mapang-aping mga batas,  2  Para alisan ng karapatan ang mahihirap,Para pagkaitan ng katarungan ang mga hamak sa aking bayan;+Ginagawa nilang samsam ang mga biyudaAt dinarambong ang mga batang walang ama!*+  3  Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagtutuos,*+Kapag dumating ang pagkapuksa mula sa malayo?+ Kanino kayo tatakas para magpatulong,+At saan ninyo iiwan ang inyong kayamanan?*  4  Wala kayong magagawa kundi ang yumukyok kasama ng mga bilanggoO mabuwal kasama ng mga napatay. Dahil sa lahat ng ito,* hindi pa nawawala ang galit niya,At nakaunat pa rin ang kamay niya para saktan sila.+  5  “Narito ang Asiryano!+Ang pamalo na magpapakita ng galit ko+At ang hawak nilang panghampas na magpapahayag ng hatol ko!  6  Isusugo ko siya laban sa isang apostatang bansa,+Laban sa bayang gumalit sa akin;Uutusan ko siyang manamsam at mandambong nang maramiAt yurakan silang gaya ng putik sa mga lansangan.+  7  Pero hindi ganito ang gugustuhin niyang gawinAt ang puso niya ay hindi magpapakana nang ganito;Dahil ang nasa puso niya ay lumipol,Ang pumuksa ng maraming bansa, at hindi ng kaunti.  8  Dahil sinasabi niya,‘Hindi ba ang lahat ng matataas na opisyal ko ay mga hari?+  9  Hindi ba ang Calno+ ay gaya ng Carkemis?+ Hindi ba ang Hamat+ ay gaya ng Arpad?+ Hindi ba ang Samaria+ ay gaya ng Damasco?+ 10  Napasakamay ko ang mga kaharian ng walang-silbing mga diyos,Na ang mga inukit na imahen ay mas marami pa kaysa sa nasa Jerusalem at Samaria!+ 11  Hindi ko rin ba gagawin sa Jerusalem at sa mga idolo niyaAng ginawa ko sa Samaria at sa kaniyang walang-silbing mga diyos?’+ 12  “Kapag natapos na ni Jehova ang lahat ng kaniyang gawa sa Bundok Sion at sa Jerusalem, paparusahan niya* ang hari ng Asirya dahil sa mapagmataas nitong puso at hambog at mayabang na tingin.+ 13  Dahil sinasabi nito,‘Gagawin ko ito sa pamamagitan ng lakas ng kamay koAt sa pamamagitan ng aking karunungan, dahil matalino ako. Aalisin ko ang mga hangganan ng mga bayan+At sasamsamin ang kayamanan nila,+At lulupigin ko ang mga tagaroon na gaya ng isang makapangyarihan.+ 14  Gaya ng taong umaabot ng isang pugad,Kukunin ng kamay ko ang yaman ng mga bayan;At gaya ng nagtitipon ng mga itlog na naiwan,Titipunin ko ang buong mundo! Walang magpapagaspas ng kaniyang mga pakpak o magbubuka ng kaniyang tuka o huhuni.’” 15  Magmamataas ba ang palakol sa nagpapalakol? Magmamataas ba ang lagari sa naglalagari? Mapagagalaw ba ng pamalo+ ang nagtataas nito? O maitataas ba ng panghampas ang isa na hindi gawa sa kahoy? 16  Kaya ang matataba nito* ay papapayatinNg tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,+At sa ilalim ng kaluwalhatian nito ay magsisindi siya ng nagniningas na apoy.+ 17  Ang Liwanag ng Israel+ ay magiging isang apoy,+At ang kaniyang Banal na Diyos ay magiging isang liyab;Lalagablab ito at lalamunin ang mga panirang-damo at matitinik na halaman* nito sa loob ng isang araw. 18  Lubusan niyang aalisin ang kaluwalhatian ng kagubatan at taniman nito;Magiging gaya iyon ng isang maysakit na pahina nang pahina.+ 19  Ang matitirang puno sa kagubatan nito ay kaunti na langAt mabibilang na lang ng isang bata. 20  Sa araw na iyon, ang mga natira sa IsraelAt ang mga nakaligtas sa sambahayan ni JacobAy hindi na sasandig sa nanakit sa kanila,+Kundi sasandig sila kay Jehova,Ang Banal ng Israel, nang may katapatan. 21  Isang maliit na grupo lang ang babalik,Ang natira sa Jacob, sa Makapangyarihang Diyos.+ 22  Dahil kahit ang bayan mo, O Israel,Ay gaya ng mga butil ng buhangin sa dagat,Isang maliit na grupo lang sa kanila ang babalik.+ Naipasiya na ang paglipol sa kanila,+At hindi nila matatakasan ang katarungan,*+ 23  Ang paglipol na ipinasiya ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,Ay isasagawa sa buong lupain.+ 24  Kaya ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo: “Huwag kang matakot, bayan kong naninirahan sa Sion, dahil sa Asiryano, na humahataw sa iyo ng pamalo+ at nag-aamba sa iyo ng panghampas gaya ng ginawa ng Ehipto.+ 25  Dahil kaunting panahon na lang at matatapos na ang hatol; ibubuhos ko ang galit ko sa kanila para mapuksa sila.+ 26  Hahagupitin siya ni Jehova ng mga hukbo,+ gaya noong tinalo niya ang Midian sa tabi ng batong Oreb.+ At ang baston niya ay itataas niya sa ibabaw ng dagat gaya ng ginawa niya sa Ehipto.+ 27  Sa araw na iyon, mawawala ang ipinapasan niya sa iyong balikat+At ang pamatok niya sa iyong leeg,+At ang pamatok ay masisira+ dahil sa langis.” 28  Dumating siya sa Aiat;+Dumaan siya sa Migron;Iniwan niya sa Micmash+ ang dala-dalahan niya. 29  Dumaan sila sa tawiran;Nagpalipas sila ng gabi sa Geba;+Nanginig ang Rama, tumakas ang Gibeah+ na lunsod ni Saul.*+ 30  Sumigaw ka, O anak na babae ng Galim! Makinig ka, O Laisa! O kaawa-awang Anatot!+ 31  Ang Madmena ay tumakas. Ang mga taga-Gebim ay naghanap ng kanlungan. 32  Sa mismong araw na ito ay titigil siya sa Nob.+ Iniaamba niya ang kamao niya laban sa bundok ng anak na babae ng Sion,Ang burol ng Jerusalem. 33  Tingnan ninyo! Ang mga sanga ay tinatagpas ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,At napakalakas ng pagbagsak ng mga ito;+Pinuputol ang matatayog na puno,At ang matataas ay ibinababa. 34  Tinatagpas niya ang mga sukal ng kagubatan sa pamamagitan ng kasangkapang bakal,*At babagsak ang Lebanon sa pamamagitan ng isang makapangyarihan.

Talababa

O “mga ulila.”
O “pagpaparusa.”
O “kaluwalhatian.”
Tumutukoy sa kasamaan ng bayan ng Diyos.
Lit., “ko.”
Asirya.
O “palumpong.”
O “parusa.”
Lit., “Gibeah ni Saul.”
O “ng palakol.”