Isaias 12:1-6

  • Awit ng pasasalamat (1-6)

    • “Si Jah Jehova ang lakas ko” (2)

12  Sa araw na iyon ay tiyak na sasabihin mo: “Nagpapasalamat ako sa iyo, O Jehova,Dahil kahit nagalit ka sa akin,Unti-unting humupa ang galit mo, at inaliw mo ako.+  2  Ang Diyos ang kaligtasan ko.+ Magtitiwala ako sa kaniya at hindi ako matatakot;+Dahil si Jah* Jehova ang lakas ko,At siya ang naging kaligtasan ko.”+  3  Masaya kayong sasalok ng tubigSa mga bukal ng kaligtasan.+  4  At sa araw na iyon ay sasabihin ninyo: “Magpasalamat kayo kay Jehova, tumawag kayo sa pangalan niya,Ipaalám ninyo sa mga bansa ang mga ginawa niya!+ Sabihin ninyo na dakila ang pangalan niya.+  5  Umawit kayo* kay Jehova,+ dahil gumawa siya ng kamangha-manghang mga bagay.+ Ipaalám ninyo ito sa buong mundo.  6  Humiyaw kayo nang malakas at sumigaw sa kagalakan, kayong mga nakatira sa Sion,Dahil ang Banal ng Israel na nasa gitna ninyo ay dakila.”

Talababa

Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
O “Umawit kayo at tumugtog para.”