Isaias 15:1-9
-
Mensahe laban sa Moab (1-9)
15 Mensahe laban sa Moab:+
Dahil nawasak ito sa isang gabi,Ang Ar+ ng Moab ay napatahimik.
Dahil nawasak ito sa isang gabi,Ang Kir+ ng Moab ay napatahimik.
2 Pumunta siya sa Bahay* at sa Dibon,+Sa matataas na lugar para umiyak.
Humahagulgol ang Moab dahil sa Nebo+ at dahil sa Medeba.+
Ang bawat ulo ay kinalbo,+ ang lahat ay tinanggalan ng balbas.+
3 Sa mga lansangan nito ay nagsuot sila ng telang-sako.
Sa kanilang mga bubong at mga liwasan* ay humahagulgol silang lahat;Bumababa silang umiiyak.+
4 Ang Hesbon at ang Eleale+ ay humihiyaw;Dinig ang tinig nila hanggang sa Jahaz.+
Kaya patuloy na sumisigaw ang nasasandatahang mga lalaki ng Moab.
Nanginginig siya.
5 Dumaraing ang puso ko dahil sa Moab.
Ang mga tumakas mula rito ay tumakbo hanggang sa Zoar+ at Eglat-selisiya.+
Umiiyak sila habang paakyat ng Luhit;Habang papunta sa Horonaim ay dumaraing sila dahil sa kasakunaan.+
6 Natuyo ang mga tubig ng Nimrim;Natuyot ang berdeng damo,Wala nang mga damo at walang anumang luntian na natira.
7 Kaya ang mga natira sa mga natipon nila at sa mga kayamanan nila ay kanilang dinadala;Tumatawid sila sa lambak* ng mga punong alamo.
8 Dahil ang pagdaing ay umaalingawngaw sa buong teritoryo ng Moab.+
Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Eglaim;Ang pag-iyak ay dinig hanggang sa Beer-elim.
9 Dahil ang mga tubig ng Dimon ay punô ng dugo.At may ipadadala pa ako sa Dimon:
Isang leon para sa mga tumatakas mula sa MoabAt para sa mga natitira sa lupain.+