Isaias 16:1-14

  • Karugtong ng mensahe laban sa Moab (1-14)

16  Magpadala kayo ng isang lalaking tupa sa tagapamahala ng lupain,Mula sa Sela papunta sa ilang,Hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.  2  Gaya ng ibong binugaw mula sa pugad nito,+Gayon ang mangyayari sa mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.+  3  “Magbigay kayo ng payo, isagawa ninyo ang pasiya. Gawin mong tulad ng gabi ang anino mo sa katanghaliang-tapat. Itago mo ang mga nangalat at huwag mong traidurin ang mga tumatakas.  4  O Moab, manirahan nawa sa iyo ang mga nangalat mula sa bayan ko. Maging kublihan ka nawa nila mula sa tagapuksa.+ Sasapit sa kawakasan ang nagmamalupit,Matatapos na ang pagpuksa,At ang mga yumuyurak sa iba ay mawawala na sa lupa.  5  At isang trono ang matibay na matatatag sa tapat na pag-ibig. Ang uupo roon mula sa tolda ni David ay magiging tapat;+Hahatol siya nang patas at agad niyang ipatutupad kung ano ang tama.”+  6  Narinig namin ang tungkol sa pagmamataas ng Moab—napakayabang niya+Ang kaniyang kahambugan at pagmamataas at poot;+Pero ang walang katuturan niyang sinasabi ay mauuwi sa wala.  7  Kaya ang Moab ay hahagulgol para sa Moab;Lahat sila ay hahagulgol.+ Iiyakan ng mga natalo ang mga kakaning pasas ng Kir-hareset.+  8  Dahil ang hagdan-hagdang taniman ng Hesbon+ ay natuyot.Niyurakan ng mga tagapamahala ng mga bansaAng matingkad-na-pulang mga sanga ng punong ubas ng Sibma;*+Nakarating ang mga ito sa Jazer;+Umabot ang mga ito sa ilang. Ang maliliit na sanga nito ay gumapang at nakarating sa dagat.  9  Kaya iiyakan ko ang punong ubas ng Sibma gaya ng pag-iyak ko para sa Jazer. Babasain ko kayo ng luha ko, O Hesbon at Eleale,+Dahil ang hiyawan para sa iyong prutas na pantag-araw at sa iyong ani ay nagwakas na.* 10  Inalis na ang pagsasaya at kagalakan sa taniman;At wala nang masasayang awit o hiyawan sa mga ubasan.+ Sa mga pisaan ay wala nang pumipisa ng ubas para gawing alak.Dahil pinatigil ko na ang hiyawan.+ 11  Kaya ang puso ko ay naliligalig dahil sa Moab,+Gaya ng panginginig ng mga kuwerdas ng alpa,At nababagabag ang loob ko dahil sa Kir-hareset.+ 12  Kahit pinapagod ng Moab ang sarili niya sa mataas na lugar at pumupunta siya sa kaniyang santuwaryo para manalangin, wala ring mangyayari.+ 13  Ito ang sinabi ni Jehova noon tungkol sa Moab. 14  At sinasabi ngayon ni Jehova: “Sa loob ng tatlong taon, gaya ng mga taon ng isang upahang trabahador,* babagsak ang kaluwalhatian ng Moab dahil sa iba’t ibang uri ng kaguluhan, at ang mga matitira sa kaniya ay kaunting-kaunti at mahihina.”+

Talababa

O “Ang mga sanga ng punong ubas ng Sibma na hitik sa pulang ubas.”
O posibleng “Dahil ang sigaw ng pakikipagdigma ay bumaba na sa iyong mga prutas na pantag-araw at sa iyong ani.”
O “na binilang na mabuti gaya ng ginagawa ng upahang trabahador”; eksaktong tatlong taon.