Isaias 18:1-7
-
Mensahe laban sa Etiopia (1-7)
18 Kaawa-awa ang lupain ng humihiging na mga pakpak ng kulisapSa rehiyon ng mga ilog ng Etiopia!+
2 Nagpapadala ito ng mga sugo na dumadaan sa dagat,Sakay ng mga bangkang papiro sa ibabaw ng tubig.
Sinasabi nito: “Pumunta kayo, kayong matutuling mensahero,Sa isang bansa ng mga taong matatangkad at makikinis,Sa mga taong kinatatakutan sa lahat ng lugar,+Sa isang bansang malakas at nananakop,*Sa isang lupaing dinadaanan ng mga ilog.”
3 Lahat kayong mga nakatira sa lupain at kayong mga naninirahan sa lupa,Ang makikita ninyo ay magiging gaya ng palatandaan* na inilagay sa ibabaw ng mga bundok,At makaririnig kayo ng tunog na gaya ng paghihip sa tambuli.
4 Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin:
“Mananatili akong panatag at titingin sa* aking matatag na lugar,Gaya ng matinding init ng sikat ng araw,Gaya ng ulap ng hamog sa init ng pag-aani.
5 Dahil bago ang pag-aani,Kapag tapos na ang pamumulaklak at ang bulaklak ay maging ubas na nahihinog,Ang maliliit na sanga ay tatagpasin ng karitAt ang gumagapang na mga sanga ay puputulin at aalisin.
6 Ang mga iyon ay iiwan para sa mga ibong maninila sa mga bundokAt para sa mga hayop sa lupa.
Ang mga ibong maninila ay magpapalipas ng tag-araw sa mga iyon,At ang lahat ng hayop sa lupa ay magpapalipas ng panahon ng pag-aani sa mga iyon.
7 Sa panahong iyon, isang regalo ang dadalhin kay Jehova ng mga hukbo,Mula sa isang bansa ng mga taong matatangkad at makikinis,Mula sa mga taong kinatatakutan sa lahat ng lugar,Mula sa isang bansang malakas at nananakop,*Sa isang lupaing dinadaanan ng mga ilog.Dadalhin iyon sa lugar na kinaroroonan ng pangalan ni Jehova ng mga hukbo, ang Bundok Sion.”+
Talababa
^ O “bansang napakalakas at yumuyurak.”
^ O “posteng pananda.”
^ O posibleng “mula sa.”
^ O “bansang napakalakas at yumuyurak.”