Isaias 20:1-6

  • Tanda laban sa Ehipto at Etiopia (1-6)

20  Nang taóng isugo ni Haring Sargon ng Asirya sa Asdod+ ang Tartan,* nakipagdigma ito sa Asdod at sinakop ang lunsod.+ 2  Nang panahong iyon, nagsalita si Jehova sa pamamagitan ni Isaias+ na anak ni Amoz. Sinabi niya: “Alisin mo ang telang-sako sa balakang mo, at hubarin mo ang sandalyas sa mga paa mo.” At ginawa niya iyon; lumakad siyang hubad* at nakapaa. 3  At sinabi ni Jehova: “Kung paanong ang lingkod kong si Isaias ay lumakad nang hubad at nakapaa nang tatlong taon bilang tanda+ at babala sa Ehipto+ at Etiopia,+ 4  gayon dadalhin ng hari ng Asirya ang mga bihag mula sa Ehipto+ at ang mga ipinatapon mula sa Etiopia, mga batang lalaki at matatandang lalaki, na hubad at nakapaa at nakalabas ang mga pigi—isang kahihiyan* sa Ehipto. 5  At matatakot sila at ikahihiya ang Etiopia na pinagtitiwalaan nila at ang Ehipto na ipinagmamalaki nila.* 6  Sa araw na iyon ay sasabihin ng mga nakatira sa lupaing ito sa tabing-dagat, ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa pinagtitiwalaan natin, sa hiningan natin ng tulong para iligtas tayo mula sa hari ng Asirya! Paano tayo makatatakas ngayon?’”

Talababa

O “kumandante.”
O “nakasuot lang ng panloob.”
Lit., “kahubaran.”
O “na ang kagandahan ay hinahangaan nila.”