Isaias 21:1-17

  • Mensahe laban sa ilang ng dagat (1-10)

    • Patuloy na nagbabantay sa bantayan (8)

    • “Bumagsak na ang Babilonya!” (9)

  • Mensahe laban sa Duma at tigang na kapatagan (11-17)

    • “Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?” (11)

21  Mensahe laban sa ilang ng dagat:*+ Paparating na ito gaya ng malakas na hanging humahagibis mula sa timog,Mula sa ilang, mula sa isang nakakatakot na lupain.+  2  Isang malagim na pangitain ang sinabi sa akin: Ang taksil ay gumagawa ng kataksilan,At ang tagawasak ay nangwawasak. Sugod, O Elam! Palibutan mo ang lunsod, O Media!+ Wawakasan ko ang lahat ng pagbubuntonghininga na idinulot niya.+  3  Kaya naman dumaranas ako ng matinding paghihirap.*+ Namimilipit ako sa sakit,Gaya ng babaeng nanganganak. Hindi ako makarinig sa sobrang pagkabahala;Hindi ako makakita sa sobrang pagkaligalig.  4  Kumakabog ang dibdib ko; nanginginig ako sa takot. Ang takipsilim na dati kong pinananabikan ay nagpapangatog sa akin.  5  Ihanda ninyo ang mesa at ayusin ang mga upuan! Kumain kayo at uminom!+ Bumangon kayo, matataas na opisyal, pahiran ninyo ng langis ang kalasag!  6  Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Maglagay ka ng tanod at ipaulat mo sa kaniya ang makikita niya.”  7  At nakakita siya ng isang karwaheng pandigma na hila ng isang pares ng kabayo,Isang karwaheng pandigma na hila ng mga asno,Isang karwaheng pandigma na hila ng mga kamelyo. Nagmasid siyang mabuti, buhos na buhos ang pansin niya.  8  At sumigaw siya na parang umuungal na leon: “Sa ibabaw ng bantayan, O Jehova, ay palagi akong nakatayo kung araw,At nagbabantay ako sa puwesto ko gabi-gabi.+  9  Tingnan ninyo ang paparating: Mga lalaking nakasakay sa karwaheng pandigma na hila ng isang pares ng kabayo!”+ At sinabi niya: “Bumagsak na siya! Bumagsak na ang Babilonya!+ Dinurog Niya sa lupa ang lahat ng inukit na imahen ng kaniyang mga diyos!”+ 10  O bayan ko na giniik,*Ang bunga* ng aking giikan,+Iniulat ko sa inyo ang narinig ko kay Jehova ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel. 11  Mensahe laban sa Duma:* May tumatawag sa akin mula sa Seir:+ “Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?* Tagapagbantay, gaano pa katagal ang gabi?” 12  Sinabi ng tagapagbantay: “Dumarating ang umaga, pati ang gabi. Kung gusto pa ninyong magtanong, magtanong kayo. Bumalik kayo!” 13  Mensahe laban sa tigang na kapatagan: Sa kagubatan sa tigang na kapatagan kayo magpapalipas ng gabi,Kayong mga manlalakbay ng Dedan.+ 14  Magdala kayo ng tubig sa pagsalubong sa nauuhaw,Kayong mga naninirahan sa lupain ng Tema,+At magdala kayo ng tinapay para sa tumatakas. 15  Dahil tumatakas sila mula sa espada, mula sa nakaambang espada,Mula sa nakabanat na pana, at mula sa kalupitan ng digmaan. 16  Dahil ito ang sinabi ni Jehova sa akin: “Sa loob ng isang taon, gaya ng panahon ng pagtatrabaho ng upahang trabahador,* magwawakas ang lahat ng kaluwalhatian ng Kedar.+ 17  Kaunti lang ang matitirang mamamanà sa hukbo ng Kedar, dahil ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel.”

Talababa

Malamang na tumutukoy sa rehiyon ng sinaunang Babilonia.
Lit., “napakasakit ng balakang ko.”
O “tinapak-tapakan.”
Lit., “anak.”
Ibig sabihin, “Katahimikan.”
Lit., “kumusta ang gabi?”
O “na binilang na mabuti gaya ng ginagawa ng upahang trabahador”; eksaktong isang taon.