Isaias 23:1-18

  • Mensahe laban sa Tiro (1-18)

23  Mensahe tungkol sa Tiro:+ Humagulgol kayo, kayong mga barko ng Tarsis!+ Dahil nawasak ang daungan; hindi na iyon mapapasok. Sa lupain ng Kitim+ ay ibinalita iyon sa kanila.  2  Tumahimik kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat. Ang mga negosyante mula sa Sidon+ na tumawid ng dagat ay nagpayaman sa iyo.  3  Itinawid sa malawak na karagatan ang mga butil* ng Sihor,*+Ang ani ng Nilo, na pinagkakakitaan niyaAt nagdadala ng yaman ng mga bansa.+  4  Mahiya ka, O Sidon; ikaw na tanggulan ng dagat,Dahil sinabi ng dagat: “Hindi ko pa naranasan ang hirap ng panganganak, at hindi pa ako nanganak.Hindi pa ako nakapagpalaki ng mga anak na lalaki o babae.”*+  5  Gaya noong mapabalita ang nangyari sa Ehipto,+Maliligalig ang mga tao kapag narinig nila ang balita tungkol sa Tiro.+  6  Tumawid kayo papuntang Tarsis! Humagulgol kayo, kayong mga nakatira sa lupain sa tabing-dagat!  7  Ito ba ang lunsod ninyo na matagal nang nagsasaya, mula pa nang sinaunang mga araw niya? Dinadala siya noon ng mga paa niya sa malalayong lupain para doon manirahan.  8  Sino ang nagpasiya nito laban sa Tiro,Ang tagapagbigay ng mga korona,Na ang mga negosyante ay matataas na opisyal,Na ang mga mangangalakal ay kinikilala sa buong mundo?+  9  Si Jehova ng mga hukbo ang nagpasiya nito,Na wakasan ang pagmamalaki niya sa kaniyang kagandahan,Na ipahiya ang lahat ng kinikilala sa buong mundo.+ 10  Tumawid ka sa iyong lupain na gaya ng Ilog Nilo, O anak na babae ng Tarsis. Wala nang gawaan ng barko.*+ 11  Iniunat niya ang kamay niya sa ibabaw ng dagat;Niyanig niya ang mga kaharian. Si Jehova mismo ang nag-utos na wasakin ang mga tanggulan ng Fenicia.+ 12  At sinasabi niya: “Hindi ka na makapagsasaya,+O ikaw na pinahihirapan, anak na dalaga ng Sidon. Bumangon ka, tumawid ka papunta sa Kitim.+ Kahit doon ay hindi ka magiging panatag.” 13  Tingnan ninyo ang lupain ng mga Caldeo!+ Ito ang bayan—hindi ang Asirya+Ginawa nila siyang* isang lugar para sa mga hayop na pagala-gala sa disyerto. Itinayo nila ang kanilang mga toreng pandigma;Giniba nila ang kaniyang matitibay na tore+At dinurog siya. 14  Humagulgol kayo, kayong mga barko ng Tarsis,Dahil nawasak ang tanggulan ninyo.+ 15  Sa araw na iyon, malilimutan ang Tiro nang 70 taon,+ kasinghaba ng buhay* ng isang hari. Pagkatapos ng 70 taon, mangyayari sa Tiro ang gaya ng nasa awit ng isang babaeng bayaran: 16  “Kumuha ka ng alpa, lumibot ka sa lunsod, O babaeng bayaran na nalimutan. Galingan mo ang pagtugtog ng alpa;Kumanta ka ng maraming awitPara maalaala ka nila.” 17  Pagkatapos ng 70 taon, bibigyang-pansin ni Jehova ang Tiro, at babalik siya sa dati niyang pamumuhay* at ibebenta ang sarili sa lahat ng kaharian sa ibabaw ng lupa. 18  Pero ang kinita niya at ang ibinayad sa kaniya ay magiging banal kay Jehova. Hindi ito iimbakin o itatago, dahil ang ibinayad sa kaniya ay ibibigay sa mga naninirahan sa harap ni Jehova, para makakain sila hanggang sa mabusog at makapagsuot ng magagarang damit.+

Talababa

Lit., “ang binhi.”
Sanga ng Ilog Nilo.
Lit., “birhen.”
O posibleng “nang daungan.”
Posibleng tumutukoy sa Tiro.
Lit., “mga araw.”
Lit., “sa kaniyang upa.”