Isaias 26:1-21
26 Sa araw na iyon, ang awit na ito ay aawitin+ sa lupain ng Juda:+
“May matibay na lunsod kami.+
Kaligtasan ang ginawa niyang pader at tanggulan nito.+
2 Buksan ninyo ang mga pintuang-daan+ para makapasok ang matuwid na bansa,Isang bansa na nananatiling tapat.
3 Iingatan mo ang mga lubos na umaasa sa iyo;*Patuloy mo silang bibigyan ng kapayapaan,+Dahil sa iyo sila nagtitiwala.+
4 Magtiwala kayo kay Jehova magpakailanman,+Dahil si Jah* Jehova ang walang-hanggang Bato.+
5 Dahil ibinaba niya ang mga nakatira sa kaitaasan, sa matayog na lunsod.
Ibinababa niya iyon,Ibinababa niya iyon sa lupa;Ibinabagsak niya iyon sa alabok.
6 Yuyurakan iyon ng paa,Ng mga paa ng mga napipighati, ng mga talampakan ng mga dukha.”
7 Ang landasin ng matuwid ay tuwid.*
Dahil matuwid ka,Papatagin mo ang landas ng mga matuwid.
8 Habang lumalakad kami sa landas ng mga kahatulan mo, O Jehova,Sa iyo kami umaasa.
Nananabik kami sa pangalan mo at sa pinakaalaala mo.*
9 Sa gabi ay nananabik sa iyo ang buo kong pagkatao,Hinahanap-hanap ka ng puso ko;+Dahil kapag hinahatulan mo ang lupa,Ang mga nakatira sa lupain ay natututo ng katuwiran.+
10 Pagpakitaan man ng awa ang masama,Hindi siya matututo ng katuwiran.+
Kahit sa lupain ng katapatan ay gagawa siya ng masama,+At hindi niya makikita ang karilagan ni Jehova.+
11 O Jehova, nakataas ang kamay mo, pero hindi nila iyon nakikita.+
Makikita nila ang sigasig mo para sa iyong bayan at mapapahiya sila.
Tutupukin sila ng apoy na para sa mga kaaway mo.
12 O Jehova, tiyak na bibigyan mo kami ng kapayapaan,+Dahil ang lahat ng naisagawa naminAy nagawa namin sa tulong mo.
13 O Jehova na aming Diyos, may ibang mga panginoon bukod sa iyo na namahala sa amin,+Pero pangalan mo lang ang binabanggit namin.+
14 Sila ay patay; hindi sila mabubuhay.
Wala na silang magagawa; hindi sila babangon.+
Dahil ibinaling mo sa kanila ang pansin moPara lipulin sila at hindi na maalaala pa.
15 Pinalaki mo ang bansa, O Jehova,Pinalaki mo ang bansa;Niluwalhati mo ang iyong sarili.+
Pinalawak mo nang husto ang lahat ng hangganan ng lupain.+
16 O Jehova, sa panahon ng pagdurusa ay lumapit sila sa iyo;Marubdob silang nanalangin nang pabulong nang disiplinahin mo sila.+
17 Kung paanong ang babaeng malapit nang manganakAy nahihirapan at dumaraing sa sakit,Gayon ang nadarama namin dahil sa iyo, O Jehova.
18 Nagdalang-tao kami, namilipit kami sa sakit,Pero para bang nagsilang kami ng hangin.
Hindi namin nailigtas ang lupain,At walang ipinanganak para manirahan sa lupain.
19 “Ang iyong mga patay ay mabubuhay.
Ang mga bangkay ng bayan ko* ay babangon.+
Gumising kayo at humiyaw sa kagalakan,Kayong mga nakatira sa alabok!+
Dahil ang hamog mo ay gaya ng hamog sa umaga,*At hahayaan ng lupa na mabuhay ang mga patay.*
20 Pumasok kayo, bayan ko, sa inyong mga kaloob-loobang silid,At isara ninyo ang mga pinto.+
Magtago kayo sandaliHanggang sa makalampas ang galit.*+
21 Dahil si Jehova ay lumalabas mula sa tirahan niyaPara pagbayarin ang mga nakatira sa lupain sa pagkakamali nila,At ang pagdanak ng dugo sa lupain ay malalantad,At hindi na maitatago ang mga napatay sa lupain.”
Talababa
^ O posibleng “ang mga may matatag na disposisyon.”
^ Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O “patag.”
^ Nananabik na maalaala at makilala ang Diyos at ang pangalan niya.
^ Lit., “Ang bangkay ko.”
^ O posibleng “gaya ng hamog ng mga halaman (malva).”
^ O “At isisilang ng lupa ang mga patay.”
^ O “pagtuligsa.”