Isaias 27:1-13

  • Pinatay ni Jehova ang Leviatan (1)

  • Awit tungkol sa Israel na ikinumpara sa ubasan (2-13)

27  Sa araw na iyon, si Jehova, na may matalas at nakakatakot na espada,+Ay magtutuon ng pansin sa Leviatan,* ang ahas na mabilis gumapang,Sa Leviatan, ang paliko-likong ahas,At papatayin niya ang malaking hayop na nasa dagat.  2  Sa araw na iyon ay umawit kayo sa kaniya:* “Isang ubasan ng alak na bumubula!+  3  Ako, si Jehova, ang nag-iingat sa kaniya.+ Dinidiligan ko siya sa bawat sandali.+ Iniingatan ko siya gabi at araw,Para walang puminsala sa kaniya.+  4  Hindi na ako nagagalit.+ Kung may maglalagay sa harap ko ng matitinik na halaman at panirang-damo, Tatapakan ko ang mga iyon at sama-samang susunugin, at makikipagdigma ako sa kaniya.  5  Kung ayaw niyang mangyari iyon, manganlong siya sa tanggulan ko. Makipagpayapaan siya sa akin;Sa akin ay makipagpayapaan siya.”  6  Sa mga araw na dumarating ay mag-uugat ang Jacob,Ang Israel ay mamumulaklak at magsisibol,+At pupunuin nila ng bunga ang lupain.+  7  Dapat ba siyang hampasin nang napakalakas? O dapat ba siyang patayin na gaya ng mga napatay sa kaniya?  8  Pasigaw kang makikipagtalo sa kaniya, at palalayasin mo siya. Sa araw na humihip ang hanging silangan, patatalsikin niya siya sa pamamagitan ng malakas na bugso.+  9  Kaya sa ganitong paraan ay mababayaran ang pagkakamali ng Jacob,+At kapag inalis ang kasalanan niya, mangyayari ang lahat ng ito: Ang lahat ng bato ng altarAy gagawin niyang parang yeso* na pinulbos,At walang matitirang sagradong poste* o patungan ng insenso.+ 10  Dahil ang napapaderang* lunsod ay iiwan;Ang mga pastulan ay pababayaan at aabandonahin na gaya ng ilang.+ Manginginain at hihiga roon ang guya*At uubusin nito ang mga sanga niya.+ 11  Kapag tuyot na ang maliliit na sanga niya,Darating ang mga babae at babaliin ang mga iyonAt gagamiting panggatong. Dahil ang bayang ito ay walang kaunawaan.+ Kaya hindi maaawa sa kanila ang kanilang Maylikha,At hindi sila kahahabagan ng gumawa sa kanila.+ 12  Sa araw na iyon ay kukunin ni Jehova ang mga bunga mula sa umaagos na Ilog* hanggang sa Wadi* ng Ehipto,+ at isa-isa niya kayong titipunin, O bayang Israel.+ 13  Sa araw na iyon, hihipan ang isang malaking tambuli,+ at ang mga halos mamatay na sa lupain ng Asirya+ at ang mga nakapangalat sa lupain ng Ehipto+ ay darating at yuyukod kay Jehova sa banal na bundok sa Jerusalem.+

Talababa

Tingnan sa Glosari.
Malamang na tumutukoy sa Israel, na ikinukumpara sa isang ubasan.
Tingnan sa Glosari.
Sa Ingles, chalk.
O “nakukutaang.”
O “batang baka.”
Eufrates.
Tingnan sa Glosari.