Isaias 3:1-26

  • Inililigaw ng mga pinuno ng Juda ang bayan (1-15)

  • Hinatulan ang mapang-akit na mga anak na babae ng Sion (16-26)

3  Aalisin ng tunay na Panginoon, si Jehova ng mga hukbo,Ang lahat ng tulong at suplay sa Jerusalem at sa Juda,Lahat ng suplay ng tinapay at tubig,+  2  Malakas na lalaki at mandirigma,Hukom at propeta,+ manghuhula at matandang lalaki,  3  Pinuno ng 50,+ dignitaryo, at tagapayo,Dalubhasang salamangkero at bihasang engkantador.+  4  Mga batang lalaki ang gagawin kong pinuno nila,At ang mamamahala sa kanila ay pabago-bago ng isip.  5  Pagmamalupitan ng mga tao ang isa’t isa,Ng isang tao ang kapuwa niya.+ Sasaktan ng batang lalaki ang matandang lalaki,At lalabanan ng nakabababa ang taong iginagalang.+  6  Susunggaban ng bawat isa ang kaniyang kapatid na lalaki sa bahay ng kaniyang ama at magsasabi: “Mayroon kang balabal—ikaw ang maging kumandante namin. Ikaw ang mamahala sa tambak ng mga guhong ito.”  7  Pero tututol siya sa araw na iyon: “Hindi ako magiging tagagamot ng sugat* ninyo;Wala akong pagkain o damit sa bahay ko. Huwag ninyo akong gawing kumandante ng bayan.”  8  Dahil ang Jerusalem ay nabuwal,At ang Juda ay bumagsak,Dahil laban sila kay Jehova sa salita at gawa;Mapagrebelde sila sa kaniyang maluwalhating presensiya.*+  9  Ang ekspresyon ng mukha nila ay nagpapatotoo laban sa kanila,At ipinangangalandakan nila ang kasalanan nila gaya ng Sodoma;+Hindi nila iyon itinatago. Kaawa-awa sila, dahil ipinapahamak nila ang sarili nila! 10  Sabihin ninyo sa mga matuwid na mapapabuti sila;Gagantimpalaan sila sa ginagawa nila.*+ 11  Kaawa-awa ang masama! Mapapahamak siya,Dahil ang ginawa ng mga kamay niya ay gagawin sa kaniya! 12  Kung tungkol sa bayan ko, mapang-abuso ang mga nagpapatrabaho sa kanila,At mga babae ang namamahala sa kanila. O bayan ko, inililigaw ka ng mga pinuno mo,At nililito ka nila sa daan na dapat mong lakaran.+ 13  Si Jehova ay handa nang magharap ng kaniyang usapin;Tumatayo siya para magbaba ng hatol sa mga bayan. 14  Hahatulan ni Jehova ang matatandang lalaki at matataas na opisyal sa bayan niya. “Sinunog ninyo ang ubasan,At ang ninakaw ninyo sa mahihirap ay nasa mga bahay ninyo.+ 15  Ano ang karapatan ninyong durugin ang bayan ko,At ingudngod sa lupa ang mukha ng mahihirap?”+ ang sabi ng Kataas-taasang Panginoon, si Jehova ng mga hukbo. 16  Sinasabi ni Jehova: “Dahil ang mga anak na babae ng Sion ay mapagmataas,Taas-noong naglalakad,*Nang-aakit sa pamamagitan ng kanilang mga mata, kumekendeng,At nagpapakalansing ng kanilang mga pulseras sa paa, 17  Paglalangibin ni Jehova ang ulo ng mga anak na babae ng Sion,At ihahantad ni Jehova ang kanilang noo.+ 18  Sa araw na iyon ay aalisin ni Jehova ang ganda ng kanilang mga pulseras sa paa,Ang mga palamuti sa ulo at palamuting hugis-buwan,+ 19  Ang mga hikaw,* pulseras, at belo, 20  Ang mga putong, kadenilya sa paa,* at pamigkis sa dibdib,*Ang mga lalagyan ng pabango at mga anting-anting,* 21  Ang mga singsing sa daliri at hikaw sa ilong, 22  Ang magagarang damit, pang-ibabaw na kasuotan, balabal, at bag, 23  Ang mga salamin+ at kasuotang lino,*Ang mga turbante at belo. 24  Sa halip na bango ng langis ng balsamo,+ magkakaroon ng bulok na amoy;Sa halip na sinturon, lubid;Sa halip na magandang ayos ng buhok, pagkakalbo;+Sa halip na isang mamahaling damit, kasuotang gawa sa telang-sako;+At peklat* sa halip na kagandahan. 25  Babagsak ang iyong mga lalaki sa pamamagitan ng espada,At ang malalakas mong lalaki sa digmaan.+ 26  Magdadalamhati at mamimighati ang mga pasukan niya,+At uupo siya sa lupa; wala nang natira sa kaniya.”+

Talababa

O “magiging manggagamot.”
Lit., “sa mga mata ng kaluwalhatian niya.”
Lit., “Kakainin nila ang bunga ng ginagawa nila.”
Lit., “Naglalakad nang unat ang leeg (lalamunan).”
O “palawit.”
Maliit na kadena na nagdurugtong sa mga pulseras sa magkabilang paa.
O “at paha.”
O “palamuting kabibi na humihiging.”
O “at pang-ilalim na kasuotan.”
Peklat na resulta ng pagsunog sa isang bahagi ng katawan ng alipin o bilanggo sa pamamagitan ng mainit na bakal.