Isaias 32:1-20
32 Isang hari+ ang mamumuno para sa katuwiran,+At may mga prinsipeng mamamahala para sa katarungan.
2 At ang bawat isa ay magiging gaya ng taguan* mula sa ihip ng hangin,Isang kublihan* mula sa malakas na ulan,Gaya ng mga batis sa lupaing walang tubig,+Gaya ng lilim ng malaking bato sa tuyot na lupain.
3 Ang mga mata ng mga nakakakita ay hindi na isasara,At ang mga tainga ng mga nakaririnig ay magbibigay-pansin.
4 Ang puso ng mga padalos-dalos ay magbubulay-bulay ng kaalaman,At ang dilang nauutal ay magsasalita nang matatas at malinaw.+
5 Ang hangal ay hindi na ituturing na bukas-palad,At ang taong walang prinsipyo ay hindi ituturing na marangal;
6 Dahil ang hangal ay magsasalita ng walang katuturan,At ang puso niya ay nagpaplano ng nakapipinsalang mga bagay,+Para itaguyod ang apostasya* at magsalita ng kasinungalingan tungkol kay Jehova.Hinahayaan niyang umalis nang gutom ang nagugutomAt pinagkakaitan ng maiinom ang nauuhaw.
7 Masama ang mga pamamaraan ng taong walang prinsipyo;+Nagtataguyod siya ng kahiya-hiyang paggawiPara ipahamak ang naaapi sa pamamagitan ng mga kasinungalingan,+Kahit na tama ang sinasabi ng dukha.
8 Pero ang bukas-palad ay laging nag-iisip na magbigay,At hindi siya nagsasawa sa pagbibigay.*
9 “Kayong mga babaeng kampante, bumangon kayo at makinig sa tinig ko!
Kayong mga anak na babae na di-nababahala,+ pakinggan ninyo ang sinasabi ko!
10 Sa loob lang ng mahigit isang taon, kayong mga di-nababahala ay manginginig sa takot,Dahil walang bungang matitipon hanggang sa katapusan ng pag-aani ng ubas.+
11 Mangatog kayo, kayong mga babaeng kampante!
Manginig kayo sa takot, kayong mga di-nababahala!
Hubarin ninyo ang inyong damit,At magsuot kayo ng telang-sako sa inyong balakang.+
12 Suntukin ninyo ang inyong mga dibdib sa pagdadalamhatiSa kanais-nais na mga bukid at mabungang punong ubas.
13 Dahil ang lupa ng aking bayan ay matatakpan ng matitinik na halaman;Matatakpan ng mga ito ang lahat ng bahay na nagsasaya,Ang lunsod na nagbubunyi.+
14 Dahil ang matibay na tore ay pinabayaan;Ang maingay na lunsod ay iniwan.+
Ang Opel+ at ang bantayan ay tuluyan nang naging walang-silbing lupain,Puntahan ng maiilap na asnoAt pastulan ng mga kawan,+
15 Hanggang sa ibuhos sa atin ang espiritu mula sa itaas,+At ang ilang ay maging isang taniman,At ang taniman ay ituring na isang kagubatan.+
16 At ang katarungan ay maninirahan sa ilang,At ang katuwiran ay mananahanan sa taniman.+
17 Ang resulta ng tunay na katuwiran ay kapayapaan,+At ang bunga ng tunay na katuwiran ay walang-hanggang kapanatagan at katahimikan.+
18 Titira ang bayan ko sa mapayapang tahanan,Sa ligtas na mga tirahan at tahimik na mga pahingahan.+
19 Pero lubusang sisirain ng pag-ulan ng yelo* ang gubat,At guguho ang buong lunsod.
20 Maligaya kayong mga naghahasik ng binhi sa lahat ng baybayinAt nagpapakawala ng toro at ng asno.”+
Talababa
^ O “silungan.”
^ O “kanlungan.”
^ O “kumilos nang walang pakundangan.”
^ O “marangal na gawain.”
^ O “graniso.”