Isaias 33:1-24

  • Hatol at pag-asa para sa mga matuwid (1-24)

    • Si Jehova ang Hukom, Tagapagbigay-Batas, at Hari (22)

    • Walang magsasabi: “May sakit ako” (24)

33  Kaawa-awa ka, ikaw na nangwawasak na hindi pa winawasak;+Ikaw na taksil na hindi pa pinagtataksilan! Pagkatapos mong mangwasak, wawasakin ka.+ Pagkatapos mong magtaksil, pagtataksilan ka.  2  O Jehova, kaawaan mo kami.+ Sa iyo kami umaasa. Maging bisig* ka namin+ sa bawat umagaAt kaligtasan namin sa panahon ng paghihirap.+  3  Sa lakas ng dagundong ay tumatakas ang mga bayan. Kapag kumilos ka, nangangalat ang mga bansa.+  4  Kung paano nagtitipon ang matatakaw na balang, gayon din titipunin ang inyong mga samsam;Dadagsain iyon ng mga tao gaya ng pagkuyog ng napakaraming balang.  5  Si Jehova ay dadakilain,Dahil naninirahan siya sa kaitaasan. Pupunuin niya ang Sion ng katarungan at katuwiran.  6  Siya ang magpapatatag sa iyo;Dakilang kaligtasan,+ saganang karunungan at kaalaman, at pagkatakot kay Jehova+—Ito ang kayamanan niya.  7  Ang mga bayani nila ay sumisigaw sa lansangan;Ang mga mensahero ng kapayapaan ay humahagulgol.  8  Wala nang tao sa mga lansangang-bayan;Wala nang dumadaan sa mga landas. Sinira niya* ang tipan;Hinamak niya ang mga lunsod;Wala siyang paggalang sa tao.+  9  Ang lupain ay nagdadalamhati* at natutuyot. Ang Lebanon ay nahihiya;+ iyon ay nabulok. Ang Saron ay naging gaya ng disyerto,At nalalagas ang mga dahon ng Basan at Carmel.+ 10  “Ngayon ay kikilos ako,” sabi ni Jehova,“Ngayon ay dadakilain ko ang aking sarili;+Ngayon ay luluwalhatiin ko ang aking sarili. 11  Tuyong damo ang nasa sinapupunan ninyo at pinaggapasan ang isinisilang ninyo. Ang sarili ninyong saloobin* ang lalamon sa inyo na gaya ng apoy.+ 12  At ang mga bayan ay magiging gaya ng sunóg na apog. Gaya ng matitinik na halaman na pinutol, sila ay sisilaban sa apoy.+ 13  Kayong mga nasa malayo, pakinggan ninyo ang gagawin ko! At kayong mga nasa malapit, kilalanin ninyo ang kalakasan ko! 14  Ang mga makasalanan sa Sion ay natatakot;+Nanginginig ang mga apostata: ‘Sino sa atin ang makapaninirahan sa lugar na may tumutupok na apoy?+ Sino sa atin ang makatatagal sa apoy na hindi mapapatay?’ 15  Ang patuloy na lumalakad sa katuwiran,+Nagsasalita ng bagay na matuwid,+Tumatanggi sa pakinabang na galing sa pandaraya,Tumatanggi sa suhol sa halip na sunggaban ito,+Nagtatakip ng tainga sa usapan ng mga nagpaplanong pumatay,At pumipikit para hindi makita ang masasamang bagay 16  Ay titira sa kaitaasan;Ang kaniyang ligtas na kanlungan* ay sa mga batong tanggulan,Paglalaanan siya ng tinapay,At hindi siya mawawalan ng suplay ng tubig.”+ 17  Makikita ng mga mata mo ang isang maluwalhating hari;Makikita nila ang isang lupain sa malayo. 18  Maaalaala* mo sa iyong puso ang takot: “Nasaan na ang kalihim? Nasaan na ang nagtitimbang ng tributo?*+ Nasaan na ang bumibilang ng mga tore?” 19  Hindi mo na makikita ang hambog na bayan,Isang bayan na napakahirap unawain ang wikaAt may dilang nauutal na hindi mo maintindihan.+ 20  Tingnan mo ang Sion, ang lunsod ng ating mga kapistahan!+ Makikita mo ang Jerusalem na isang tahimik na tirahan,Isang toldang hindi maaalis sa kinatatayuan nito.+ Hindi kailanman mabubunot ang mga tulos nito,At walang isa man sa mga lubid nito ang mapuputol. 21  Kundi doon, ang maringal na si JehovaAy magiging rehiyon ng mga ilog, ng mga kanal na maluluwang, para sa atin,Kung saan walang pupuntang mga barkong de-sagwanAt walang dadaang mariringal na barko. 22  Dahil si Jehova ang ating Hukom,+Si Jehova ang ating Tagapagbigay-Batas,+Si Jehova ang ating Hari;+Siya ang magliligtas sa atin.+ 23  Ang iyong mga lubid ay makakalag;Hindi nila maitatayo ang palo* at hindi nila mailaladlad ang layag. Sa panahong iyon, maraming samsam na paghahati-hatian;Kahit ang mga pilay ay makakakuha ng maraming samsam.+ 24  At walang nakatira doon ang magsasabi: “May sakit ako.”+ Ang bayang naninirahan sa lupain ay patatawarin sa kasalanan nila.+

Talababa

O “lakas.”
Tumutukoy sa kaaway.
O posibleng “natutuyo.”
Lit., “espiritu.”
O “kaniyang mataas at ligtas na lugar.”
O “Mabubulay-bulay.”
Tingnan sa Glosari.
Posteng pinagkakabitan ng layag.