Isaias 35:1-10

  • Ibinalik ang paraiso (1-7)

    • Makakakita ang bulag; makaririnig ang bingi (5)

  • Daan ng Kabanalan para sa mga tinubos (8-10)

35  Ang ilang at ang tuyong lupain ay magsasaya,+At ang tigang na kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron.*+  2  Tiyak na mamumulaklak iyon;+Magsasaya iyon at hihiyaw sa kagalakan. Ibibigay roon ang kaluwalhatian ng Lebanon,+Ang karilagan ng Carmel+ at ng Saron.+ Makikita nila ang kaluwalhatian ni Jehova, ang karilagan ng ating Diyos.  3  Palakasin ninyo ang mahihinang kamay,At patatagin ninyo ang mga tuhod na nangangatog.+  4  Sabihin ninyo sa mga may pusong nababahala: “Magpakatatag kayo. Huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos ay darating para pagbayarin ang kaaway,Darating ang Diyos at maghihiganti.+ Darating siya at ililigtas niya kayo.”+  5  Sa panahong iyon, madidilat ang mga mata ng bulag,+At mabubuksan ang mga tainga ng bingi.+  6  Sa panahong iyon, ang pilay ay tatalon gaya ng usa,+At ang dila ng pipi ay hihiyaw sa kagalakan.+ Bubukal ang tubig sa ilang,At ang mga ilog sa tigang na kapatagan.  7  Ang lupang natuyo sa init ay magiging lawa na may mga halaman,At ang lupang uhaw ay magiging mga bukal ng tubig.+ Sa lugar kung saan nagpapahinga ang mga chakal+Ay magkakaroon ng berdeng damo, mga tambo, at mga papiro.  8  At magkakaroon doon ng lansangang-bayan,+Isang daan na tinatawag na Daan ng Kabanalan. Hindi dadaan doon ang marumi.+ Para lang iyon sa mga pinahintulutang lumakad doon;Walang mangmang na maliligaw roon.  9  Hindi magkakaroon doon ng leon,At hindi pupunta roon ang mababangis na hayop. Hindi sila makikita roon;+Ang mga tinubos lang ang lalakad doon.+ 10  Ang mga tinubos ni Jehova ay babalik+ at pupunta sa Sion nang humihiyaw sa kagalakan.+ Kokoronahan sila ng walang-hanggang kaligayahan.+ Magbubunyi sila at magsasaya,At maglalaho ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+

Talababa

Isang uri ng bulaklak.