Isaias 38:1-22
38 Nang panahong iyon, nagkasakit si Hezekias at malapit nang mamatay.+ Dumating ang propetang si Isaias+ na anak ni Amoz at sinabi nito sa kaniya, “Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magbilin ka na sa sambahayan mo dahil mamamatay ka; hindi ka na gagaling.’”+
2 Humarap si Hezekias sa dingding at nanalangin kay Jehova:
3 “Nakikiusap ako sa iyo, O Jehova, alalahanin+ mong lumakad ako sa harap mo* nang may katapatan at buong puso,+ at ginawa ko ang mabuti sa paningin mo.” At umiyak nang husto si Hezekias.
4 At sinabi ni Jehova kay Isaias:
5 “Bumalik ka at sabihin mo kay Hezekias,+ ‘Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng ninuno mong si David: “Narinig ko ang panalangin mo.+ Nakita ko ang mga luha mo.+ Daragdagan ko ng 15 taon ang buhay* mo,+
6 at ililigtas kita at ang lunsod na ito mula sa kamay ng hari ng Asirya, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.+
7 Ito ang tanda mula kay Jehova na magpapakitang gagawin ni Jehova ang sinabi niya:+
8 Ang aninong nakababa na sa hagdan* ni Ahaz ay paaatrasin ko nang 10 baytang.”’”+ Kaya ang anino ay umatras nang 10 baytang sa hagdan na binabaan nito.
9 Sulat ni Haring Hezekias ng Juda nang magkasakit siya at gumaling.
10 Sinabi ko: “Sa kalagitnaan ng buhay koAy kailangan kong pumasok sa mga pintuang-daan ng Libingan.*
Ipagkakait sa akin ang natitirang mga taon ko.”
11 Sinabi ko: “Hindi ko makikita si Jah,* si Jah sa lupain ng mga buháy.+
Hindi ko na makikita ang mga taoKapag kasama ko na ang mga nakatira sa lupain ng kamatayan.
12 Ang tirahan ko ay binunot at kinuha mula sa akin+Gaya ng tolda ng isang pastol.
Inirolyo ko ang aking buhay gaya ng ginagawa ng manggagawa sa habihan;Pinutol niya ako na gaya ng mga hibla sa habihan.
Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+
13 Ipinapanatag ko ang sarili ko hanggang umaga.
Gaya ng leon, patuloy niyang binabali ang lahat ng aking buto;Mula araw hanggang gabi ay winawakasan mo ang buhay ko.+
14 Umiiyak akong gaya ng humuhuning sibad o tarat;*+Dumaraing akong gaya ng kumukurukutok na kalapati.+
Nakatingin sa kaitaasan ang pagod kong mga mata:+
‘O Jehova, hirap na hirap ako;Tulungan mo ako!’*+
15 Ano ang masasabi ko?
Sumagot siya at kumilos.
Lalakad ako na may kapakumbabaan* habambuhayDahil sa naranasan kong hirap.
16 ‘O Jehova, dahil sa mga bagay na ito* ay nabubuhay ang bawat tao,At nasa mga bagay na ito ang buhay ko.
Pagagalingin mo ako at iingatan mo ang aking buhay.+
17 Sa halip na kapayapaan, pagdurusa ang dinanas ko;Pero dahil nalulugod ka sa akin,Iniligtas mo ako mula sa hukay ng kamatayan.+
Itinapon mo sa likuran mo* ang lahat ng kasalanan ko.+
18 Dahil hindi ka maluluwalhati ng Libingan,*+Hindi ka mapupuri ng kamatayan.+
Ang mga bumababa sa hukay ay hindi na makaaasa sa iyong katapatan.+
19 Ang buháy, ang buháy ang makapupuri sa iyo,Gaya ko sa araw na ito.
Ang ama ay makapagbibigay ng kaalaman sa mga anak niya tungkol sa iyong katapatan.+
20 O Jehova, iligtas mo ako,At tutugtugin namin ang mga awit ko sa mga instrumentong de-kuwerdas+Sa lahat ng araw ng aming buhay sa bahay ni Jehova.’”+
21 Pagkatapos, sinabi ni Isaias: “Kumuha kayo ng kakaning gawa sa pinatuyong igos na pinipi at ilagay ninyo iyon sa pigsa para gumaling siya.”+
22 Nagtanong noon si Hezekias: “Ano ang tanda na makakapunta ako sa bahay ni Jehova?”+
Talababa
^ O “namuhay ako.”
^ Lit., “mga araw.”
^ Malamang na ginagamit ang mga baytang na ito sa hagdan bilang orasan, gaya ng sundial.
^ Pinaikling anyo ng pangalang Jehova.
^ O posibleng “tagak,” na sa Ingles ay crane.
^ Lit., “Ikaw ang maglaan ng panagot para sa akin.”
^ O “nang taimtim.”
^ Ang salita at mga gawa ng Diyos.
^ O “Inalis mo sa paningin mo.”