Isaias 39:1-8
-
Mga mensahero mula sa Babilonya (1-8)
39 Nang panahong iyon, ang hari ng Babilonya, si Merodac-baladan na anak ni Baladan, ay nagpadala ng mga liham at ng regalo kay Hezekias,+ dahil nabalitaan niyang nagkasakit ito at gumaling na.+
2 Masaya silang tinanggap ni Hezekias* at ipinakita niya sa kanila ang kaniyang imbakan ng yaman+—ang pilak, ang ginto, ang langis ng balsamo at iba pang mamahaling langis, ang buong taguan niya ng mga sandata, at ang lahat ng nasa mga kabang-yaman niya. Walang bagay sa sarili niyang bahay* at sa kaniyang buong kaharian na hindi ipinakita sa kanila ni Hezekias.
3 Pagkatapos, pinuntahan ng propetang si Isaias si Haring Hezekias at tinanong ito: “Ano ang sinabi ng mga lalaking iyon, at saan sila nanggaling?” Sumagot si Hezekias: “Galing sila sa isang malayong lupain, sa Babilonya.”+
4 Nagtanong pa siya: “Ano ang nakita nila sa bahay* mo?” Sinabi ni Hezekias: “Nakita nila ang lahat ng nasa bahay* ko. Wala akong hindi ipinakita sa kanila sa mga kabang-yaman ko.”
5 Sinabi ngayon ni Isaias kay Hezekias: “Pakinggan mo ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,
6 ‘Darating ang panahon na lahat ng nasa bahay* mo ngayon at lahat ng natipon ng mga ninuno mo ay dadalhin sa Babilonya. Walang matitira,’+ ang sabi ni Jehova.+
7 ‘At ang ilan sa magiging mga anak mo ay kukunin at magiging mga opisyal sa palasyo ng hari ng Babilonya.’”+
8 Kaya sinabi ni Hezekias kay Isaias: “Ang mensahe ni Jehova na sinabi mo ay makatuwiran.” Sinabi pa niya: “Dahil magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan* habang nabubuhay ako.”+
Talababa
^ Lit., “Nagsaya si Hezekias dahil sa kanila.”
^ O “palasyo.”
^ O “palasyo.”
^ O “palasyo.”
^ O “palasyo.”
^ O “katotohanan.”