Isaias 44:1-28

  • Mga pagpapala sa piniling bayan ng Diyos (1-5)

  • Walang ibang Diyos bukod kay Jehova (6-8)

  • Kahangalan ang paggawa ng mga idolo (9-20)

  • Si Jehova, ang Manunubos ng Israel (21-23)

  • Pagsasauli sa pamamagitan ni Ciro (24-28)

44  “Ngayon ay makinig ka, O Jacob na lingkod ko,At ikaw, O Israel, na aking pinili.+  2  Ito ang sinabi ni Jehova,Ang iyong Maylikha at ang humubog sa iyo,+Ang tumulong sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka:* ‘Huwag kang matakot, lingkod kong Jacob,+At ikaw, Jesurun,*+ na aking pinili.  3  Dahil magbubuhos ako ng tubig para sa nauuhaw,*+At magpapaagos ako ng mga batis sa tuyong lupa. Ibubuhos ko ang espiritu ko sa mga supling* mo+At ang pagpapala ko sa mga inapo mo.  4  At sisibol silang gaya ng berdeng damo,+Gaya ng mga punong alamo sa tabi ng mga ilog.  5  Sasabihin ng isa: “Kay Jehova ako.”+ Tatawagin naman ng isa ang sarili niya sa pangalan ni Jacob,At isusulat ng isa sa kamay niya: “Kay Jehova.” At papangalanan niya ang sarili niya na Israel.’  6  Ito ang sinabi ni Jehova,Ang Hari ng Israel+ at ang Manunubos niya,+ si Jehova ng mga hukbo: ‘Ako ang una at ako ang huli.+ Walang ibang Diyos bukod sa akin.+  7  Sino ang tulad ko?+ Sumagot siya at sabihin niya iyon at patunayan sa akin!+ Gaya ng ginagawa ko mula nang itatag ko ang bayan noong sinauna,Sabihin nila ang mga bagay na daratingAt ang mga bagay na mangyayari.  8  Huwag kayong matakot,At huwag kayong matigilan sa takot.+ Hindi ba sinabi ko na sa bawat isa sa inyo noon pa at inihayag ko na? Kayo ang mga saksi ko.+ May iba pa bang Diyos bukod sa akin? Wala, walang ibang Bato;+ wala akong kilala.’”  9  Ang lahat ng umuukit ng mga imahen ay walang silbi,At ang minamahal nilang mga bagay ay walang pakinabang.+ Bilang mga saksi, wala silang* nakikita at wala silang alam,+Kaya ang mga gumawa sa kanila ay mapapahiya.+ 10  Sino ang gagawa ng isang diyos o huhulma ng isang metal na imahenNa hindi mapapakinabangan?+ 11  Lahat ng kasamahan niya ay mapapahiya!+ Ang mga bihasang manggagawa ay mga tao lang. Lahat sila ay magtipon at tumayo. Matatakot sila at sama-samang mapapahiya. 12  Pinaiinit ng platero ang bakal sa ibabaw ng mga baga gamit ang kasangkapan niya. Para magkahugis, minamartilyo niya iyonSa pamamagitan ng kaniyang malakas na bisig.+ Pagkatapos, nagugutom siya at nanghihina;Hindi siya umiinom ng tubig at napapagod siya. 13  Iniuunat ng mang-uukit ang pising panukat at minamarkahan niya ang kahoy gamit ang pulang yeso.* Inuukit niya iyon gamit ang pait at minamarkahan gamit ang kompas. Ginagawa niya itong kaanyo ng tao,+Kasingganda ng tao,Para ilagay sa isang bahay.*+ 14  Ang gawain naman ng isa ay pumutol ng mga sedro. Pumipili siya ng isang uri ng puno, ang ensina,At inaalagaan niya iyon kasama ng mga puno sa kagubatan.+ Nagtatanim siya ng puno ng laurel, at pinalalago iyon ng ulan. 15  At ginagamit iyon ng tao para magpaningas ng apoy. Kukunin niya ang isang bahagi nito para makapagpainit;Nagpapaapoy siya at nagluluto ng tinapay. Pero gumagawa rin siya ng isang diyos at sinasamba iyon. Ginagawa niya itong isang inukit na imahen, at niyuyukuran niya iyon.+ 16  Ang kalahati nito ay sinusunog niya sa apoy;Ginagamit niya iyon para mag-ihaw ng karneng kakainin niya, at nabubusog siya. Nagpapainit din siya at sinasabi niya: “Ang sarap ng init ng apoy!” 17  Pero ang natira doon ay ginagawa niyang isang diyos, isang inukit na imahen. Niyuyukuran niya iyon at sinasamba. Nananalangin siya roon: “Iligtas mo ako, dahil ikaw ang diyos ko.”+ 18  Wala silang alam, wala silang naiintindihan,+Dahil nakasara ang mga mata nila at wala silang nakikita,At hindi nakauunawa ang puso nila. 19  Walang napapaisip,Walang may kaalaman o unawa para sabihin: “Ang kalahati nito ay sinunog ko sa apoy,At sa ibabaw ng mga baga nito ay nagluto ako ng tinapay at nag-ihaw ng karne para kainin. Ang natira dito ay dapat ko bang gawing kasuklam-suklam na bagay?+ Dapat ko bang sambahin ang isang piraso* ng kahoy mula sa puno?” 20  Para siyang kumakain ng abo. Nadaya ang puso niya, at inililigaw siya nito. Hindi niya mailigtas ang sarili niya, at hindi niya sinasabi: “Hindi ba walang silbi ang nasa kanang kamay ko?” 21  “Tandaan mo ang mga bagay na ito, O Jacob, at ikaw, O Israel,Dahil lingkod kita. Hinubog kita, at lingkod kita.+ O Israel, hindi kita kalilimutan.+ 22  Tatakpan ko ang mga pagkakamali mo na parang nasa likod ng ulap+At ang mga kasalanan mo na parang nasa likod ng makapal na ulap. Manumbalik ka sa akin, dahil tutubusin kita.+ 23  Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga langit,Dahil kumilos na si Jehova! Sumigaw ka sa tagumpay, kailaliman ng lupa! Humiyaw kayo sa kagalakan, kayong mga bundok,+Ikaw na kagubatan, at ang lahat ng iyong puno! Dahil tinubos ni Jehova ang Jacob,At ipinakita niya sa Israel ang kaluwalhatian niya.”+ 24  Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos,+Ang humubog sa iyo mula noong nasa sinapupunan ka: “Ako si Jehova, ang gumawa ng lahat ng bagay. Mag-isa kong iniunat ang langit,+At inilatag ko ang lupa.+ Sino ang kasama ko noon? 25  Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita ng walang katuturan,*At ginagawa kong parang baliw ang mga manghuhula;+Nililito ko ang matatalino,At ginagawa kong kamangmangan ang kaalaman nila;+ 26  Pinangyayari kong magkatotoo ang salita ng lingkod ko,At lubusan kong tinutupad ang mga hula ng mga mensahero ko;+Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Titirhan siya,’+ At tungkol sa mga lunsod ng Juda, ‘Muli silang itatayo,+At aayusin ko ang mga guho niya’;+ 27  Sinasabi ko sa malalim na katubigan, ‘Sumingaw ka,At tutuyuin ko ang lahat ng iyong ilog’;+ 28  Sinasabi ko tungkol kay Ciro,+ ‘Pastol ko siya,At lubusan niyang tutuparin ang lahat ng kalooban ko’;+Sinasabi ko tungkol sa Jerusalem, ‘Muli siyang itatayo,’ At tungkol sa templo, ‘Ang pundasyon mo ay gagawin.’”+

Talababa

O “mula noong isilang ka.”
Ibig sabihin, “Isa na Matuwid,” isang marangal na titulo para sa Israel.
O “nauuhaw na lupain.”
Lit., “sa binhi.”
Ang mga imahen.
O “dambana.”
Sa Ingles, chalk.
O “tuyong piraso.”
O “ng huwad na mga propeta.”