Isaias 46:1-13
46 Nakatungo si Bel,+ nakayuko si Nebo.
Ang mga idolo nila ay isinakay sa mga hayop, sa mga hayop na pantrabaho,+Gaya ng mga pasaning nagpapahirap sa pagod na mga hayop.
2 Magkasama silang nakayuko at nakatungo;Hindi nila mailigtas ang mga pasan,*At sila mismo ay magiging bihag.
3 “Makinig kayo sa akin, O sambahayan ni Jacob, at lahat kayong natira sa sambahayan ng Israel,+Kayo na inalagaan ko mula noong isilang kayo at iningatan mula noong nasa sinapupunan kayo.+
4 Hanggang sa tumanda kayo, hindi ako magbabago;+Hanggang sa pumuti ang buhok ninyo, papasanin ko kayo.
Gaya ng ginawa ko noon, papasanin ko kayo at ililigtas ko kayo.+
5 Kanino ninyo ako itutulad o ipapantay o ihahambing+Na para bang magkapareho kami?+
6 May mga nagbubuhos ng ginto mula sa supot nila;Tinitimbang nila ang pilak.
Umuupa sila ng platero, at ginagawa niya itong isang diyos.+
Pagkatapos, sumusubsob sila, oo, sinasamba* nila ito.+
7 Pinapasan nila ito;+Binubuhat nila ito at inilalagay sa puwesto nito, at nakatayo lang ito roon.
Hindi ito umaalis sa puwesto.+
Tumatawag sila rito, pero hindi ito sumasagot;Hindi nito kayang iligtas ang sinuman mula sa paghihirap.+
8 Alalahanin ninyo ito, at lakasan ninyo ang inyong loob.
Isapuso ninyo ito, kayong mga masuwayin.
9 Alalahanin ninyo ang mga nangyari* noong sinaunang panahon,Na ako ang Diyos, at wala nang iba pa.
Ako ang Diyos, at walang ibang gaya ko.+
10 Mula sa pasimula ay sinasabi ko na ang mangyayari,At mula noong sinaunang panahon, ang mga bagay na hindi pa nagagawa.+
Sinasabi ko, ‘Matutupad ang pasiya* ko,+At gagawin ko ang anumang gusto ko.’+
11 Tatawag ako ng ibong maninila mula sa sikatan ng araw;*+Tatawag ako mula sa malayong lupain ng lalaking tutupad ng pasiya* ko.+
Ang sinabi ko ay gagawin ko.
Ang layunin kong ito ay isasakatuparan ko.+
12 Makinig kayo sa akin, kayong matitigas* ang puso,Kayong malalayo sa katuwiran.
13 Inilapit ko ang aking katuwiran;Hindi iyon malayo,At hindi maaantala ang pagliligtas ko.+
Ililigtas ko ang Sion, at ibibigay ko ang aking kaluwalhatian sa Israel.”+
Talababa
^ Ang mga idolong ipinasan sa mga hayop.
^ Lit., “niyuyukuran.”
^ Lit., “unang bagay.”
^ O “layunin.”
^ O “sa silangan.”
^ O “layunin.”
^ Lit., “makapangyarihan.”