Isaias 48:1-22

  • Sinaway at dinalisay ang Israel (1-11)

  • Kikilos si Jehova laban sa Babilonya (12-16a)

  • Kapaki-pakinabang ang turo ng Diyos (16b-19)

  • “Lumabas kayo mula sa Babilonya!” (20-22)

48  Pakinggan ninyo ito, O sambahayan ni Jacob,Kayong tumatawag sa inyong sarili na Israel+At nagmula sa tubig ng* Juda,Kayong sumusumpa sa ngalan ni Jehova+At tumatawag sa Diyos ng Israel,Pero hindi ayon sa katotohanan at katuwiran.+  2  Dahil sinasabi nilang nakatira sila sa banal na lunsod+At humihingi sila ng tulong sa Diyos ng Israel,+Na ang pangalan ay Jehova ng mga hukbo.  3  “Ang mga nangyari na* ay matagal ko nang sinabi sa inyo. Lumabas ang mga iyon sa sarili kong bibig,At ipinaalám ko ang mga iyon.+ Pagkatapos, kumilos ako agad, at nangyari ang mga iyon.+  4  Dahil alam ko kung gaano katigas ang ulo mo—Na ang leeg mo ay litid na bakal at ang noo mo ay tanso+  5  Matagal ko nang sinabi sa iyo. Bago pa iyon mangyari, sinabi ko na sa iyo,Para hindi mo masabi, ‘Ang idolo ko ang gumawa nito;Ang aking inukit na imahen at ang aking metal na imahen ang nag-utos nito.’  6  Narinig mo at nakita ang lahat ng iyon. Hindi mo ba iyon sasabihin sa iba?+ Mula ngayon ay maghahayag ako sa iyo ng mga bagong bagay,+Pinakaiingatang mga lihim na hindi mo pa nalalaman.  7  Ngayon pa lang nililikha ang mga ito, at hindi pa noon,Mga bagay na ngayon mo lang narinig,Para hindi mo masabi, ‘Alam ko na ang mga iyan!’  8  Hindi, hindi mo pa ito narinig,+ hindi mo pa ito alam,At hindi bukás ang mga tainga mo noon. Dahil alam kong napakataksil mo,+At tinatawag ka nang rebelde mula pa noong isilang ka.+  9  Pero alang-alang sa pangalan ko ay magpipigil ako ng galit;+Para sa kapurihan ko ay pipigilan ko ang sarili koAt hindi kita pupuksain.+ 10  Dinalisay kita, pero hindi gaya ng pilak.+ Sinubok* kita sa tunawang hurno ng pagdurusa.+ 11  Para sa sarili ko, para sa sarili ko ay kikilos ako,+Dahil hindi ko hahayaang malapastangan ako.+ Hindi ko ibibigay* ang kaluwalhatian ko kahit kanino. 12  Pakinggan mo ako, O Jacob, at Israel, na tinawag ko. Hindi ako nagbabago.+ Ako ang una; ako rin ang huli.+ 13  Ang sarili kong kamay ang gumawa ng pundasyon ng lupa,+At ang kanang kamay ko ang naglatag ng langit.+ Kapag tinatawag ko sila, magkasama silang tumatayo. 14  Magtipon kayo, kayong lahat, at makinig. Sino sa kanila ang naghayag ng mga bagay na ito? Inibig siya ni Jehova.+ Gagawin niya ang gusto Niya laban sa Babilonya,+At ang bisig niya ay magiging laban sa mga Caldeo.+ 15  Ako mismo ang nagsabi nito, at tinawag ko siya.+ Dinala ko siya, at magtatagumpay siya sa gagawin niya.+ 16  Lumapit kayo sa akin, at pakinggan ninyo ito. Mula pa nang pasimula ay hindi ako nagsalita nang palihim.+ Mula nang mangyari iyon ay naroon na ako.” At ngayon ay isinugo ako ng Kataas-taasang Panginoong Jehova at ang* espiritu niya. 17  Ito ang sinabi ni Jehova, ang iyong Manunubos, ang Banal ng Israel:+ “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos,Ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka,*+Ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.+ 18  Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko,+ Ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog+At ang katuwiran mo ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.+ 19  Ang mga supling* mo ay magiging sindami ng buhangin,At ang mga inapo mo, sindami ng mga butil nito.+ Ang pangalan nila ay hindi mapapawi o maglalaho sa harap ko.” 20  Lumabas kayo mula sa Babilonya!+ Tumakas kayo mula sa mga Caldeo! Ihayag ninyo iyon nang may hiyaw ng kagalakan! Ibalita ninyo iyon!+ Ihayag ninyo iyon hanggang sa mga dulo ng lupa.+ Sabihin ninyo: “Tinubos ni Jehova ang lingkod niyang si Jacob.+ 21  Hindi sila nauhaw noong inaakay niya sila sa mga disyerto.+ Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato para sa kanila;Biniyak niya ang isang bato at pinabulwak mula rito ang tubig.”+ 22  “Walang kapayapaan para sa masasama,” ang sabi ni Jehova.+

Talababa

O posibleng “nagmula kay.”
Lit., “mga unang bagay.”
O “Sinuri.” O posibleng “Pinili.”
O “ibabahagi.”
O “kasama ang.”
O “para sa ikabubuti mo.”
Lit., “Ang binhi.”