Isaias 49:1-26

  • Atas ng lingkod ni Jehova (1-12)

    • Liwanag ng mga bansa (6)

  • Kaaliwan para sa Israel (13-26)

49  Pakinggan ninyo ako, kayong mga isla,At magbigay-pansin kayo, kayong malalayong bansa.+ Tinawag ako ni Jehova bago pa ako isilang.*+ Nasa sinapupunan pa lang ako ng aking ina ay binanggit na niya ang pangalan ko.  2  Ang bibig ko ay ginawa niyang gaya ng matalas na espada;Itinago niya ako sa lilim ng kamay niya.+ Ginawa niya akong isang pinakinis na palaso;Itinago niya ako sa lalagyan niya ng palaso.  3  Sinabi niya sa akin: “Ikaw ay lingkod ko, O Israel;+Sa pamamagitan mo ay ipapakita ko ang kaluwalhatian ko.”+  4  Pero sinabi ko: “Walang saysay ang pagpapakahirap ko. Inubos ko ang lakas ko para sa bagay na walang halaga at walang kabuluhan. Pero si Jehova ang humahatol sa akin,*At ang gantimpala* ko ay nanggagaling sa aking Diyos.”+  5  At ngayon, si Jehova, ang humubog sa akin mula sa sinapupunan para maging lingkod niya,Ay nag-utos na ibalik ko ang Jacob sa kaniya,Para matipon sa kaniya ang Israel.+ Luluwalhatiin ako sa paningin ni Jehova,At ang aking Diyos ang magiging lakas ko.  6  At sinabi niya: “Hindi lang kita lingkodNa magbabangon sa mga tribo ni JacobAt magbabalik ng mga iningatang buháy sa Israel. Gagawin din kitang liwanag ng mga bansa,+Para ang pagliligtas ko ay umabot sa mga dulo ng lupa.”+ 7  Ito ang sinabi ni Jehova, ang Manunubos ng Israel at ang kaniyang Banal na Diyos,+ sa hinahamak,+ sa kinasusuklaman ng bansa, sa lingkod ng mga tagapamahala: “Makikita ito ng mga hari at tatayo sila,At yuyukod ang mga prinsipeDahil kay Jehova, na tapat,+Ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”+  8  Ito ang sinabi ni Jehova: “Sa isang panahon ng kabutihang-loob ay sinagot kita,+At sa isang araw ng kaligtasan ay tinulungan kita;+Patuloy kitang iningatan para maibigay kita sa bayan bilang isang tipan,+Para ibalik sa dating kalagayan ang lupain,Para ibalik sa kanila ang mga mana nila na naging tiwangwang,+  9  Para sabihin sa mga bilanggo, ‘Lumabas kayo!’+ At sa mga nasa kadiliman,+ ‘Magpakita kayo!’ Manginginain silang gaya ng mga tupa sa tabi ng lansangan,Magiging pastulan nila ang lahat ng daanan.* 10  Hindi sila magugutom, hindi sila mauuhaw,+At hindi rin sila maiinitan o mapapaso ng araw.+ Dahil ang nahahabag sa kanila ang aakay sa kanila,+At papatnubayan niya sila sa tabi ng mga bukal ng tubig.+ 11  Gagawin kong daan ang lahat ng aking bundok,At patataasin ko ang aking mga lansangang-bayan.+ 12  Galing sila sa malayo,+Galing sila sa hilaga at sa kanluranAt sa lupain ng Sinim.”+ 13  Humiyaw ka sa kagalakan, O langit, at magsaya ka, O lupa.+ Magsaya ang mga bundok at humiyaw sa kagalakan.+ Dahil inaliw ni Jehova ang bayan niya,+At nagpapakita siya ng habag sa mga lingkod niyang nagdurusa.+ 14  Pero sinasabi ng Sion: “Iniwan ako ni Jehova;+ kinalimutan na ako ni Jehova.”+ 15  Malilimutan ba ng ina ang kaniyang pasusuhing anak,O hindi ba siya maaawa sa anak na isinilang niya? Kahit pa makalimot ang isang ina, hinding-hindi ko kayo malilimutan.+ 16  Iniukit kita sa mga palad ko. Ang mga pader mo ay laging nasa harap ko. 17  Ang mga anak mo ay magmamadaling bumalik. Ang mga gumiba at nagwasak sa iyo ay mawawala na. 18  Tumingin ka sa buong paligid. Nagtitipon silang lahat.+ Papunta sila sa iyo. “Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ni Jehova,“Silang lahat ay magiging palamuti mo,At isusuot mo sila gaya ng ginagawa ng babaeng ikakasal. 19  Kahit na wasak at tiwangwang ang iyong mga lugar at nasira ang iyong lupain,+Ngayon ay magiging masikip ito para sa mga titira doon,+At ang mga lumamon sa iyo+ ay magiging malayo.+ 20  Ang mga anak na isinilang mo noong mawalan ka ng anak ay magsasabi sa iyo,‘Masikip ang lugar na ito para sa akin. Bigyan mo ako ng lugar na matitirhan dito.’+ 21  At sasabihin mo sa sarili,‘Kaninong anak ang mga ito na ibinigay sa akin?Nawalan na ako ng mga anak at baog ako,Ipinatapon at ibinilanggo. Sino ang nagpalaki sa mga ito?+ Naiwan akong mag-isa,+Kaya saan nanggaling ang mga ito?’”+ 22  Ito ang sinabi ng Kataas-taasang Panginoong Jehova: “Itataas ko ang kamay ko sa mga bansa,At maglalagay ako ng palatandaan* para sa mga bayan.+ Bubuhatin nila* ang mga anak mong lalakiAt papasanin ang mga anak mong babae.+ 23  Ang mga hari ay magiging tagapag-alaga mo,+At ang mga prinsesa nila ay maglilingkod sa iyo.* Yuyukod sila at susubsob sa harap mo+At hihimurin ang alikabok sa iyong mga paa,+At malalaman mo na ako si Jehova;Ang mga umaasa sa akin ay hindi mapapahiya.”+ 24  Mababawi ba sa isang malakas na lalaki ang mga nabihag niya,O maililigtas ba ang mga nabihag ng isang malupit na tagapamahala? 25  Pero ito ang sinabi ni Jehova: “Kahit ang mga nabihag ng isang malakas na lalaki ay mababawi,+At ang mga nabihag ng isang malupit na tagapamahala ay maililigtas.+ Lalabanan ko ang mga nakikipaglaban sa iyo,+At ililigtas ko ang mga anak mo. 26  Ipakakain ko sa mga nang-aapi sa iyo ang sarili nilang laman,At gaya ng pagkalasing sa matamis na alak, malalasing sila sa sarili nilang dugo. At malalaman ng lahat ng tao* na ako si Jehova,+Ang iyong Tagapagligtas+ at ang iyong Manunubos,+Ang Makapangyarihan ng Jacob.”+

Talababa

Lit., “mula sa sinapupunan.”
O “ang magbibigay sa akin ng katarungan.”
O “kabayaran.”
O posibleng “burol na walang pananim.”
Lit., “Dadalhin nila sa dibdib nila.”
O “posteng pananda.”
O “ay magpapasuso sa mga anak mo.”
Lit., “laman.”