Isaias 51:1-23

  • Ang Sion ay ginawang gaya ng hardin ng Eden (1-8)

  • Kaaliwan mula sa makapangyarihang Maylikha ng Sion (9-16)

  • Kopa ng galit ni Jehova (17-23)

51  “Makinig kayo sa akin, kayong mga nagtataguyod ng katuwiran,Kayong mga humahanap kay Jehova. Tingnan ninyo ang batong pinagmulan ninyoAt ang tibagan na pinanggalingan ninyo.  2  Tingnan ninyo si Abraham na inyong amaAt si Sara+ na nagsilang sa inyo.* Dahil isa lang siya* nang tawagin ko siya,+At pinagpala ko siya at pinarami.+  3  Dahil aaliwin ni Jehova ang Sion.+ Aayusin* Niya ang lahat ng kaniyang guho,+At gagawin Niyang tulad ng Eden+ ang kaniyang ilangAt tulad ng hardin ni Jehova ang kaniyang tigang na kapatagan.+ Magkakaroon ng pagbubunyi at ng pagsasaya sa kaniya,Ng pasasalamat at ng awit.+  4  Magbigay-pansin ka sa akin, O bayan ko,At pakinggan mo ako, aking bansa.+ Dahil magpapalabas ako ng kautusan,+At itatatag ko ang katarungan ko para maging liwanag sa mga bayan.+  5  Papalapit na ang aking katuwiran.+ Darating ang pagliligtas ko,+At hahatulan ng mga bisig ko ang mga bayan.+ Sa akin ay aasa ang mga isla,+At ang bisig* ko ay hihintayin nila.  6  Tumingala kayo sa langit,At tingnan ninyo ang lupa sa ibaba. Dahil ang langit ay maglalahong gaya ng usok;Ang lupa ay malulumang gaya ng damit,At ang mga naninirahan doon ay mamamatay na gaya ng niknik.* Pero ang pagliligtas ko ay walang hanggan,+At ang katuwiran ko ay hindi lilipas.*+  7  Makinig kayo sa akin, kayong mga nakaaalam ng katuwiran,Ang bayan na nagsapuso ng aking kautusan.*+ Huwag kayong matakot sa panghahamak ng mga taong mortal,At huwag kayong matakot sa pang-iinsulto nila.  8  Dahil para silang damit na uubusin ng insekto;*Para silang lana na kakainin ng insekto.*+ Pero ang katuwiran ko ay mananatili magpakailanman,At ang pagliligtas ko ay para sa lahat ng henerasyon.”+  9  Gumising ka! Gumising ka! Magsuot ka ng kalakasan,O bisig ni Jehova!+ Gumising ka gaya ng ginawa mo noon, gaya noong nakalipas na mga henerasyon. Hindi ba ikaw ang lumuray sa Rahab,*+Ang sumaksak sa malaking hayop sa dagat?+ 10  Hindi ba ikaw ang tumuyo sa dagat, sa malawak at malalim na katubigan?+ Ang gumawa ng daan sa kalaliman ng dagat para makatawid ang mga tinubos?+ 11  Babalik ang mga tinubos ni Jehova.+ Pupunta sila sa Sion nang may hiyaw ng kagalakan,+At kokoronahan sila ng* walang-katapusang kasiyahan.+ Magbubunyi sila at magsasaya,At mawawala ang pagdadalamhati at pagbubuntonghininga.+ 12  “Ako mismo ang umaaliw sa inyo.+ Bakit ka matatakot sa taong mortal na mamamatay+At sa anak ng tao na malalantang gaya ng berdeng damo? 13  Bakit mo kinalimutan si Jehova na iyong Maylikha,+Ang naglatag ng langit+ at gumawa ng pundasyon ng lupa? Buong araw kang natatakot sa galit ng nagpapahirap* sa iyo,Na para bang kaya ka niyang ipahamak. Nasaan ngayon ang galit niya? 14  Ang taong nakayuko at nakakadena ay malapit nang palayain;+Hindi siya mamamatay at mapupunta sa hukay,At hindi siya mawawalan ng tinapay. 15  Pero ako si Jehova na iyong Diyos,Na kumokontrol sa dagat at nagpapalakas ng mga alon nito+—Jehova ng mga hukbo ang pangalan niya.+ 16  Ilalagay ko sa iyong bibig ang mga salita ko,At lililiman kita ng kamay ko,+Para ilagay sa puwesto ang langit at gawin ang pundasyon ng lupa+At sabihin sa Sion, ‘Ikaw ang bayan ko.’+ 17  Gumising ka! Gumising ka! Bumangon ka, O Jerusalem,+Ikaw na uminom mula sa kopa ng galit ni Jehova na nasa kamay niya. Ininuman mo ang kopa;Inubos mo ang nakalalasing na laman ng kopa.+ 18  Walang isa man sa lahat ng isinilang niya ang naroon para patnubayan siya,At walang isa man sa lahat ng anak na pinalaki niya ang humawak sa kamay niya. 19  Nangyari sa iyo ang dalawang bagay na ito. Sino ang makikiramay sa iyo? Pagkawasak at kagibaan, gutom at espada!+ Sino ang aaliw sa iyo?+ 20  Hinimatay ang mga anak mo.+ Nakahandusay sila sa kanto ng bawat kalye*Gaya ng hayop* na nahuli sa lambat. Ibinuhos sa kanila ni Jehova ang buong galit niya, ang pagsaway ng iyong Diyos.” 21  Kaya pakisuyong pakinggan mo ito,O babaeng nagdurusa at lasing, pero hindi sa alak. 22  Ito ang sinabi ng iyong Panginoong Jehova, ang iyong Diyos na nagtatanggol sa bayan niya: “Kukunin ko sa kamay mo ang kopang nakalalasing,+Ang aking kopa ng galit;Hindi mo na muling iinuman iyon.+ 23  Ilalagay ko iyon sa kamay ng mga nagpahirap sa iyo,+Ang mga nagsabi sa iyo,* ‘Dumapa ka para malakaran ka namin!’ Kaya ginawa mong gaya ng lupa ang likod mo,Gaya ng lansangan para malakaran nila.”

Talababa

Si Abraham.
O “nagsilang sa inyo nang may kirot ng panganganak.”
Lit., “Aaliwin.”
O “kapangyarihan.”
Isang maliit na insekto na nangangagat gaya ng lamok.
O “masisira.”
O “tagubilin.”
O “tangà,” isang insekto na kumakain ng tela.
O “tangà.” O posibleng “uod.”
Tingnan sa Glosari.
Lit., “mapapasakanilang ulo ang.”
O “nang-iipit.”
Lit., “sa ulo ng lahat ng kalye.”
O “mailap na tupa.”
Tingnan sa Glosari, “Nephesh; Psykhe.”