Isaias 57:1-21

  • Namamatay ang matuwid at ang tapat (1, 2)

  • Inilantad ang espirituwal na prostitusyon ng Israel (3-13)

  • Kaaliwan para sa mga hamak (14-21)

    • Ang masasama ay gaya ng maligalig na dagat (20)

    • Walang kapayapaan para sa masasama (21)

57  Ang matuwid ay namatay,Pero walang nagsasapuso nito. Kinukuha* ang mga tapat,+Pero walang nakakapansin na ang matuwidAy kinuha ng* kapahamakan.  2  Nagiging payapa siya. Nagpapahinga sila sa mga higaan* nila, lahat sila na lumalakad nang matuwid.  3  “Pero kayo, lumapit kayo,Kayong mga anak ng mangkukulam,*Kayong mga anak ng mangangalunya at babaeng bayaran:  4  Sino ang pinagtatawanan ninyo? Sino ang hinahamak ninyo at dinidilaan? Hindi ba kayo ang mga anak ng kasalanan,Mga anak ng kasinungalingan,+  5  Ang mga nag-aalab ang damdamin sa gitna ng malalaking puno,+Sa ilalim ng bawat mayabong na puno,+Na pumapatay ng mga anak sa mga lambak,*+Sa ilalim ng mga bitak ng malalaking bato?  6  Pinili mo ang makikinis na bato sa lambak.*+ Oo, ang mga ito ang parte mo. Kahit sa kanila ay ibinubuhos mo ang iyong handog na inumin at naghahandog ka ng mga kaloob.+ Dapat ba akong masiyahan* sa mga bagay na ito?  7  Sa mataas at matayog na bundok ay inihanda mo ang iyong higaan,+At umakyat ka roon para maghandog.+  8  Sa likod ng pinto at ng poste ng pinto ay inilagay mo ang iyong imahen. Iniwan mo ako at naghubad ka;Umakyat ka at pinaluwang mo ang iyong kama. At nakipagtipan ka sa kanila. Gustong-gusto mong makihiga sa kama nila,+At tumingin ka sa ari ng lalaki.*  9  Bumaba ka kay Melec* na may dalang langisAt maraming pabango. Ipinadala mo sa malayo ang iyong mga sugo,Kaya bumaba ka sa Libingan.* 10  Nagpakapagod ka sa marami mong ginagawa,Pero hindi mo sinabi, ‘Wala nang pag-asa!’ Muli kang lumakas. Kaya hindi ka humihinto.* 11  Sino ba ang kinasisindakan at kinatatakutan moKaya nagsimula kang magsinungaling?+ Hindi mo ako inalaala.+ Wala kang isinapusong anuman.+ Nanahimik ako at nagsawalang-kibo,*+ Kaya hindi ka natakot sa akin. 12  Ihahayag ko ang iyong ‘katuwiran’+ at ang mga ginagawa mo,+At hindi ka makikinabang sa mga ito.+ 13  Kapag humingi ka ng tulong,Hindi ka ililigtas ng tinipon mong mga idolo.+ Lahat ng iyon ay tatangayin ng hangin,Isang hihip lang ay matatangay na ang mga iyon,Pero ang nanganganlong sa akin ay magmamana ng lupainAt magmamay-ari ng aking banal na bundok.+ 14  May magsasabi, ‘Gumawa kayo ng landas! Ihanda ninyo ang daan!+ Alisin ninyo ang anumang hadlang sa daan ng aking bayan.’” 15  Dahil ito ang sinabi ng Mataas at Matayog na Diyos,Na nabubuhay* nang walang hanggan+ at may banal na pangalan:+ “Nakatira ako sa mataas at banal na lugar,+Pero kasama rin ako ng mga nagdurusa at mga mapagpakumbaba,Para pasiglahin ang mga hamakAt palakasin ang puso ng mga nagdurusa.+ 16  Hindi ako makikipaglaban sa kanila magpakailanmanO mananatiling galit;+Dahil manghihina ang tao dahil sa akin,+Oo, maging ang mga humihingang nilalang na ginawa ko. 17  Nagalit ako sa kasalanan niya, sa pandaraya niya para makinabang,+Kaya pinarusahan ko siya, at itinago ko ang aking mukha dahil sa galit. Pero patuloy siya sa pagrerebelde,+ sa pagsunod sa puso niya. 18  Nakita ko ang mga ginagawa niya,Pero pagagalingin ko siya+ at papatnubayan,+At muli ko siyang aaliwin,+ pati ang mga nagdadalamhating kasama niya.”+ 19  “Nililikha ko ang bunga ng mga labi. Bibigyan ng walang-hanggang kapayapaan ang nasa malayo at ang nasa malapit,”+ ang sabi ni Jehova,“At pagagalingin ko siya.” 20  “Pero ang masasama ay gaya ng maligalig na dagat na hindi kumakalma,At ang mga alon nito ay may tangay na damong-dagat at lusak. 21  Walang kapayapaan para sa masasama,”+ ang sabi ng aking Diyos.

Talababa

O posibleng “walang nakauunawa na ang matuwid ay kinuha mula sa.”
Ibig sabihin, namamatay.
Libingan.
O “manggagaway.” Tingnan sa Glosari, “Panggagaway.”
O “wadi.”
O “maaliw.”
O “wadi.”
Posibleng tumutukoy sa pagsamba sa idolo.
O posibleng “sa hari.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
Lit., “napapagod.”
O “nagtago ng mga bagay-bagay.”
O “naninirahan.”