Isaias 59:1-21
59 Ang kamay ni Jehova ay hindi maikli para hindi makapagligtas,+At ang tainga niya ay hindi mahina* para hindi makarinig.+
2 Nahiwalay kayo sa inyong Diyos dahil sa sarili ninyong mga pagkakamali.+
Ang mga kasalanan ninyo ang dahilan kaya itinago niya ang mukha niya sa inyoAt ayaw niya kayong pakinggan.+
3 Dahil narumhan ng dugo ang inyong mga palad,+At ng pagkakamali ang inyong mga daliri.
Ang mga labi ninyo ay nagsasalita ng kasinungalingan,+ at ang dila ninyo ay bumubulong ng kasamaan.
4 Walang naghahangad ng katuwiran,+At walang nagpupunta sa hukuman nang may katapatan.
Nagtitiwala sila sa walang saysay+ at nagsasalita ng walang kabuluhan.
Kaguluhan ang nasa sinapupunan nila, at kapahamakan ang isinisilang nila.+
5 Mga itlog ng makamandag na ahas ang lumalabas sa kanila,At naghahabi sila ng sapot ng gagamba.+
Ang sinumang kumakain ng kanilang itlog ay mamamatay,At ang itlog na napisa ay maglalabas ng ulupong.
6 Ang sapot nila ay hindi magagamit na damit,At hindi rin nila maipantatakip sa sarili ang ginagawa nila.+
Ang mga gawain nila ay nakasasakit,At ang mga kamay nila ay mararahas.+
7 Tumatakbo ang mga paa nila para gumawa ng masama,At nagmamadali sila sa pagpatay ng inosente.+
Masama ang iniisip nila;Lagi silang nagdudulot ng kapahamakan at pagdurusa.+
8 Hindi nila alam ang daan ng kapayapaan,At walang katarungan sa mga landas nila.+
Hindi tuwid ang mga daan nila;Walang kapayapaan ang sinumang lumalakad doon.+
9 Kaya ang katarungan ay malayo sa amin,At ang katuwiran ay hindi umaabot sa amin.
Patuloy kaming umaasa para sa liwanag, pero kadiliman ang nakikita namin;Para sa kaliwanagan, pero patuloy kaming lumalakad sa karimlan.+
10 Nangangapa kami sa pader gaya ng mga bulag;Patuloy kaming nangangapa gaya ng mga walang paningin.+
Natitisod kami sa tanghaling-tapat gaya ng sa pagkagat ng dilim;Para kaming mga patay sa gitna ng malalakas na tao.
11 Lahat kami ay patuloy na umuungol na parang oso,At nagdadalamhati kami na parang kumukurukutok na kalapati.
Naghihintay kami ng katarungan, pero wala;Ng kaligtasan, pero napakalayo nito sa amin.
12 Dahil madalas kaming maghimagsik sa harap mo;+Bawat kasalanan namin ay saksi laban sa amin.+
Alam naming naghimagsik kami;Alam naming nagkasala kami.+
13 Nagkasala kami at itinakwil namin si Jehova;Tinalikuran namin ang aming Diyos.
Pang-aapi at paghihimagsik ang pinag-usapan namin;+Bumuo kami at bumulong ng mga kasinungalingan mula sa aming puso.+
14 Pinaurong ang katarungan,+At nakatayo sa malayo ang katuwiran;+Dahil nabuwal ang katotohanan* sa liwasan,*At hindi makapasok ang tama.
15 Naglaho ang katotohanan,*+At ang sinumang tumatalikod sa kasamaan ay sinasamsaman.
Nakita ito ni Jehova at nagalit siya,*Dahil walang katarungan.+
16 Wala siyang nakitang sinuman,Nagulat siya na walang namamagitan,Kaya ang sarili niyang bisig ang nagligtas,*At ang sarili niyang katuwiran ang umalalay sa kaniya.
17 At isinuot niya ang katuwiran na parang kutamaya*At ang helmet ng kaligtasan* sa ulo niya.+
Isinuot niya ang damit ng paghihiganti+At ibinihis ang sigasig na parang kasuotan.*
18 Gagantihan niya sila ayon sa ginawa nila:+
Poot sa mga kalaban niya, parusa sa mga kaaway niya.+
At pagbabayarin niya ang mga isla.
19 Mula sa lubugan ng araw ay matatakot sila sa pangalan ni Jehova,At mula sa sikatan ng araw ay matatakot sila sa kaluwalhatian niya,Dahil darating siyang gaya ng rumaragasang ilog,Na pinaaagos ng espiritu ni Jehova.
20 “Ang Manunubos+ ay darating sa Sion,+Sa mga inapo ni Jacob na tumatalikod sa kasamaan,”+ ang sabi ni Jehova.
21 “Kung tungkol sa akin, ito ang tipan ko sa kanila,”+ ang sabi ni Jehova. “Ang espiritu ko na nasa iyo at ang mga salita ko na inilagay ko sa bibig mo—hindi iyon aalisin sa bibig mo, sa bibig ng mga anak* mo, o sa bibig ng mga apo mo,* ngayon at magpakailanman,” ang sabi ni Jehova.
Talababa
^ Lit., “mabigat.”
^ O “katapatan.”
^ O “plaza.”
^ O “katapatan.”
^ Lit., “at masama iyon sa paningin niya.”
^ O “nagbigay ng tagumpay sa kaniya.”
^ O “damit na walang manggas.”
^ O “tagumpay.”
^ Kasuotang pandigma na pamprotekta sa dibdib at likod.
^ Lit., “ng binhi.”
^ Lit., “ng binhi ng iyong binhi.”