Isaias 8:1-22

  • Ang nalalapit na pagsalakay ng Asirya (1-8)

    • Maher-salal-has-baz (1-4)

  • Huwag matakot—‘sumasaatin ang Diyos!’ (9-17)

  • Si Isaias at ang mga anak niya ay gaya ng mga tanda (18)

  • Sumangguni sa kautusan, hindi sa mga demonyo (19-22)

8  Sinabi ni Jehova sa akin: “Kumuha ka ng malaking tapyas+ at isulat mo roon sa pamamagitan ng ordinaryong panulat,* ‘Maher-salal-has-baz.’* 2  At gusto ko ng nasusulat na katibayan nito mula sa* tapat na mga saksi, ang saserdoteng si Uria+ at ang anak ni Jeberekias na si Zacarias.” 3  Pagkatapos ay sumiping* ako sa propetisa,* at siya ay nagdalang-tao at nang maglaon ay nagsilang ng isang anak na lalaki.+ At sinabi ni Jehova sa akin: “Maher-salal-has-baz ang ipangalan mo sa kaniya, 4  dahil bago matuto ang bata na tumawag ng ‘Tatay!’ at ‘Nanay!’ ang yaman ng Damasco at ang samsam ng Samaria ay kukunin at dadalhin sa hari ng Asirya.”+ 5  Sinabi pa sa akin ni Jehova:  6  “Dahil itinakwil ng bayang ito ang tubig ng Siloa* na umaagos nang banayad+At nagsasaya sila dahil kay Rezin at sa anak ni Remalias,+  7  Dadalhin ni Jehova laban sa kanilaAng malakas at malaking Ilog,*Ang hari ng Asirya+ at ang buong kaluwalhatian nito. Raragasa ito sa lahat ng kaniyang batisAt aapaw sa lahat ng kaniyang pampang  8  At huhugos sa Juda. Dadaan itong gaya ng baha na abot hanggang leeg;+Ang nakabuka nitong mga pakpak ay tatakip sa buong lupain mo,O Emmanuel!”*+  9  Maminsala kayo, kayong mga bayan, pero magkakadurog-durog kayo. Makinig kayo, lahat kayong nasa malalayong bahagi ng lupa! Maghanda kayo sa labanan,* pero magkakadurog-durog kayo!+ Maghanda kayo sa labanan, pero magkakadurog-durog kayo! 10  Bumuo kayo ng plano, pero mabibigo iyon! Sabihin ninyo ang gusto ninyo, pero hindi iyon mangyayari,Dahil sumasaamin ang Diyos!*+ 11  Sumaakin ang malakas na kamay ni Jehova, at ito ang sinabi niya sa akin para babalaan ako sa pagsunod sa landasin ng bayang ito: 12  “Huwag ninyong tawaging sabuwatan ang tinatawag ng bayang ito na sabuwatan! Huwag kayong matakot sa kinatatakutan nila;Huwag kayong manginig dahil doon. 13  Si Jehova ng mga hukbo—siya ang dapat ninyong ituring na banal,+Siya ang dapat ninyong katakutan,At siya ang dapat magpanginig sa inyo.”+ 14  Siya ay magiging gaya ng santuwaryo,Pero gaya ng isang batong ikakatisodAt gaya ng isang malaking batong ikabubuwal+Ng dalawang sambahayan ng Israel,Gaya ng bitag at siloSa mga nakatira sa Jerusalem. 15  Marami sa kanila ang matitisod at mabubuwal at mababalian;Mabibitag sila at mahuhuli. 16  Irolyo mo ang nasusulat na katibayan;*Gawin mong selyado ang kautusan* sa gitna ng mga alagad ko! 17  Patuloy* akong maghihintay kay Jehova,+ na nagtatago ng mukha niya mula sa sambahayan ni Jacob,+ at aasa ako sa kaniya. 18  Ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ni Jehova+ ay gaya ng mga tanda+ at gaya ng mga himala sa Israel mula kay Jehova ng mga hukbo, na naninirahan sa Bundok Sion. 19  At kung sasabihin nila sa inyo: “Sumangguni kayo sa mga espiritista o sa mga manghuhula na humuhuni at bumubulong-bulong,” hindi ba ang isang bayan ay dapat sumangguni sa Diyos nila? Dapat ba silang sumangguni sa mga patay para sa mga buháy?+ 20  Hindi! Dapat silang sumangguni sa kautusan at sa nasusulat na katibayan.* Kapag ang sinasabi nila ay hindi kaayon ng salita ng Diyos, wala silang liwanag.*+ 21  At bawat isa ay dadaan sa lupaing naghihirap at gutom;+ at dahil siya ay gutom at galit, isusumpa niya ang kaniyang hari at ang kaniyang Diyos habang nakatingala. 22  At titingin siya sa lupa at ang makikita lang niya ay pagdurusa at kadiliman, paghihirap at kawalan ng pag-asa, karimlan at kawalan ng liwanag.

Talababa

Posibleng ang ibig sabihin ay “Nagmamadali Papunta sa Samsam, Nagmamadali Papunta sa Darambungin.”
Lit., “ng panulat ng taong mortal.”
O “gusto kong saksihan ito ng.”
Lit., “lumapit.”
Asawa ni Isaias.
Ang Siloa ay padaluyan ng tubig.
Eufrates.
Tingnan ang Isa 7:14.
O “Bigkisan ninyo ang inyong sarili.”
Ang katumbas sa Hebreo ng pananalitang ito ay Emmanuel. Tingnan ang Isa 7:14; 8:8.
O “ang patotoo.”
O “tagubilin.”
O “May pananabik.”
O “sa patotoo.”
Lit., “bukang-liwayway.”