Job 10:1-22
10 “Kinamumuhian ko ang buhay ko.+
Sasabihin ko ang mga hinaing ko.
Daraing ako dahil sa paghihirap ng kalooban ko!
2 Sasabihin ko sa Diyos: ‘Huwag mo akong hatulan.*
Sabihin mo kung bakit nakikipaglaban ka sa akin.
3 Nakikinabang ka ba sa pang-aapi mo,Sa paghamak sa gawa ng iyong mga kamay,+Habang pinapaboran mo ang payo ng masasama?
4 Mayroon ka bang mga mata ng tao,O nakakakita ka bang gaya ng taong mortal?
5 Ang mga araw mo ba ay gaya ng sa mga mortal,O ang mga taon mo ba ay gaya ng sa tao,+
6 Para alamin mo pa ang pagkakamali koAt laging hanapin ang kasalanan ko?+
7 Alam mong wala akong kasalanan;+At walang makapagliligtas sa akin mula sa iyong kamay.+
8 Sarili mong mga kamay ang humubog at gumawa sa akin,+Pero ngayon ay dinudurog mo ako nang lubusan.
9 Alalahanin mo, pakisuyo, na ginawa mo ako mula sa putik,*+Pero ngayon ay ibinabalik mo ako sa alabok.+
10 Hindi mo ba ako ibinuhos na gaya ng gatasAt pinatigas na gaya ng keso?
11 Dinamtan mo ako ng balat at laman,At hinabi mo ako sa pamamagitan ng mga buto at litid.+
12 Binigyan mo ako ng buhay at nagpakita ka ng tapat na pag-ibig;Binantayan mo ako* at inalagaan.+
13 Pero palihim kang nagplano na gawin ang mga bagay na ito.*
Alam kong galing sa iyo ang mga ito.
14 Nakikita mo ako kapag nagkakasala ako,+At hindi mo ako pinapawalang-sala.
15 Kung nagkasala ako, kaawa-awa ako!
At kahit inosente ako, hindi ko maitaas ang ulo ko+Dahil puro na lang ako kahihiyan at problema.+
16 Kung itaas ko ang ulo ko, magiging gaya ka ng leon na tutugis sa akin+At muli mong maipapakita kung gaano ka kalakas.
17 Nagdadala ka ng bagong mga testigo laban sa akin,At pinatitindi mo pa ang galit mo sa akin,Habang sunod-sunod na problema ang nararanasan ko.
18 Kaya bakit mo pa ako inilabas sa sinapupunan?+
Namatay na sana ako bago pa ako nakita ng sinuman.
19 Sa gayon, parang hindi na ako umiral;Dinala na sana ako sa libingan mula sa sinapupunan.’
20 Hindi ba kakaunti na lang ang mga araw ko?+ Tigilan na niya sana ako;Alisin na sana niya ang tingin niya sa akin para maginhawahan* naman ako+
21 Bago ako umalis—at hindi na ako babalik+—Patungo sa lupain ng matinding kadiliman,*+
22 Patungo sa lupain ng pusikit na kadiliman,Sa lupain ng napakaitim na anino at kaguluhan,Kung saan ang liwanag ay gaya ng dilim.”
Talababa
^ O “ipahayag na may-sala.”
^ O “luwad.”
^ Lit., “At itinago mo ang mga bagay na ito sa iyong puso.”
^ O “sumaya.”
^ O “ng kadiliman at anino ng kamatayan.”