Job 11:1-20

  • Mga unang sinabi ni Zopar (1-20)

    • Sinabing walang saysay ang pananalita ni Job (2, 3)

    • Sinabi kay Job na iwan ang kasamaan (14)

11  Sinabi ni Zopar+ na Naamatita:  2  “Hindi ba sasagutin ang mga salitang ito,O magiging tama ba ang isa dahil sa dami ng sinabi niya?*  3  Mapatatahimik ba ang mga tao dahil sa walang-saysay na pananalita mo? Wala bang sasaway sa iyo dahil sa panghahamak mo?+  4  Dahil sinasabi mo, ‘Tama ang turo* ko,+At malinis ako sa iyong paningin.’+  5  Pero kung magsasalita lang ang DiyosAt sasagutin ka niya,+  6  Isisiwalat niya ang mga bagay na magpaparunong sa iyo,*Dahil ang tunay na karunungan ay hindi simpleng bagay. Sa gayon, malalaman mong nilimot ng Diyos ang ilan sa kasalanan mo.  7  Matutuklasan mo ba ang malalim na karunungan ng DiyosO ang lahat ng tungkol sa* Makapangyarihan-sa-Lahat?  8  Mas mataas iyon kaysa sa langit. Kaya ano ang magagawa mo? Mas malalim iyon kaysa sa Libingan.* Kaya ano ang malalaman mo?  9  Mas mahaba iyon kaysa sa lupaAt mas malawak kaysa sa dagat. 10  Kung dumating siya para hulihin at dalhin sa korte ang sinuman,Sino ang makapipigil sa kaniya? 11  Dahil alam niya kapag nanlilinlang ang mga tao. Kapag nakikita niya ang masama, hindi ba magbibigay-pansin siya? 12  Pero makakaintindi lang ang taong hungkag ang isip*Kung ang mailap na asno ay manganak ng tao.* 13  Kung ihahanda mo lang sana ang iyong pusoAt iuunat sa kaniya ang kamay mo. 14  Kung gumagawa ka ng masama, itigil mo na iyon,At huwag mong hayaang tumira sa mga tolda mo ang kasamaan. 15  Sa gayon, maitataas mo ang iyong ulo* nang walang ikinahihiya;Makatatayo kang matatag—walang ikinakatakot. 16  At malilimutan mo ang iyong problema,Gaya ng umagos na tubig na hindi mo na naaalaala. 17  Ang buhay mo ay magiging mas maliwanag kaysa sa katanghaliang-tapat;Kahit ang kadiliman ay magiging tulad ng umaga. 18  Magiging panatag ka dahil may pag-asa,At titingin ka sa paligid at hihiga nang tiwasay. 19  Hihiga ka nang walang sinumang tatakot sa iyo,At marami ang magsisikap na makuha ang pabor mo. 20  Pero manlalabo ang mga mata ng masasama;At hindi sila makakahanap ng lugar na matatakasan,At kamatayan lang ang pag-asa nila.”+

Talababa

O “magiging tama ba ang mayabang?”
O “sinasabi.”
O “Isisiwalat niya sa iyo ang mga lihim ng karunungan.”
O “ang kasukdulan ng.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “taong mangmang.”
O “Kung ang mailap na asno ay ipanganak na tao.”
Lit., “mukha.”