Job 12:1-25

  • Sagot ni Job (1-25)

    • “Hindi ako nakabababa sa inyo” (3)

    • “Naging katatawanan ako” (4)

    • ‘Marunong ang Diyos’ (13)

    • Nakahihigit ang Diyos sa mga hukom at hari (17, 18)

12  At sumagot si Job:  2  “Kayo na ang matatalino,*At kapag namatay kayo, wala nang karunungan!  3  Pero may unawa* rin ako. Hindi ako nakabababa sa inyo. Sino ang hindi nakaaalam ng mga bagay na ito?  4  Naging katatawanan ako sa mga kasamahan ko,+Dahil tumatawag ako sa Diyos at naghihintay ng sagot.+ Isang katatawanan ang taong matuwid at walang kapintasan.  5  Binabale-wala* ng taong panatag ang kapahamakan;Iniisip niyang para lang iyon sa mga may paang sumusuray.*  6  Ang mga tolda ng mga magnanakaw ay payapa,+At ang mga gumagalit sa Diyos ay panatag,+Gaya ng mga taong hawak sa kanilang kamay ang diyos nila.  7  Pero pakisuyo, magtanong ka sa mga hayop, at tuturuan ka nila;Pati sa mga ibon sa langit, at sasabihin nila iyon sa iyo.  8  O bigyang-pansin* mo ang lupa, at tuturuan ka nito;At ipaaalam iyon sa iyo ng mga isda sa dagat.  9  Sino sa lahat ng ito ang hindi nakaaalamNa ang kamay ni Jehova ang gumawa nito? 10  Nasa kamay niya ang buhay ng bawat nabubuhay na bagayAt ang hininga* ng bawat tao.*+ 11  Hindi ba sinusubok ng tainga ang mga salitaKung paanong nilalasahan ng dila* ang pagkain?+ 12  Hindi ba taglay ng matatanda ang karunungan+At nagkakaroon ng unawa ang may mahabang buhay? 13  Marunong siya at malakas;+May layunin* siya at unawa.+ 14  Kapag may giniba siya, hindi na iyon maitatayo;+Kapag may isinara siya, hindi iyon mabubuksan ng sinuman. 15  Kapag pinigil niya ang tubig, lahat ay natutuyo;+Kapag pinakawalan niya ito, umaapaw ito sa buong lupa.+ 16  Malakas siya at may praktikal na karunungan;+Nasa kamay niya ang naliligaw at ang nanliligaw; 17  Pinaglalakad niya nang nakapaa ang* mga tagapayoAt pinagmumukhang baliw ang mga hukom.+ 18  Inaalisan niya ng awtoridad ang mga hari+At itinatali sa baywang nila ang sinturon ng alipin. 19  Pinaglalakad niya nang nakapaa ang mga saserdote+At pinatatalsik ang mga matagal nang namamahala;+ 20  Isinasara niya ang bibig ng pinagkakatiwalaang mga tagapayoAt inaalis ang karunungan ng matatandang lalaki; 21  Hinahamak niya ang mga prominente+At pinahihina ang* mga makapangyarihan; 22  Isinisiwalat niya ang malalalim na bagay mula sa dilim+At pinagliliwanag ang matinding kadiliman; 23  Pinalalakas niya ang mga bansa para puksain sila;Pinalalaki niya ang mga bansa para maipatapon sila. 24  Inaalis niya ang unawa* ng mga pinuno ng bayanAt pinagagala-gala sila sa tiwangwang na mga lugar na walang mga daanan.+ 25  Nangangapa sila sa dilim+ kung saan walang liwanag;Pinagagala-gala niya silang gaya ng lasing.+

Talababa

Lit., “Kayo ang bayan.”
Lit., “puso.”
O “Hinahamak.”
O “nadudulas.”
O posibleng “kausapin.”
Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Lit., “ng lahat ng laman ng tao.”
Lit., “ngalangala.”
Lit., “payo.”
O “Kinukuha niya ang lahat ng tinataglay ng.”
Lit., “At pinaluluwag ang sinturon ng.”
Lit., “puso.”