Job 14:1-22

  • Nagpatuloy sa pagsasalita si Job (1-22)

    • Buhay ng tao, maikli at punô ng problema (1)

    • “May pag-asa kahit ang isang puno” (7)

    • “O itago mo nawa ako sa Libingan” (13)

    • “Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?” (14)

    • Mananabik ang Diyos sa gawa ng mga kamay niya (15)

14  “Ang buhay ng tao na ipinanganak ng babaeAy maikli+ at punô ng problema.*+  2  Sumisibol siyang gaya ng bulaklak at pagkatapos ay nalalanta;*+Gaya siya ng aninong mabilis na nawawala.+  3  Oo, itinuon mo ang iyong mata sa kaniya,At isinama mo siya* para mahatulan.*+  4  Sinong marumi ang makapagsisilang ng malinis?+ Wala!  5  Kung napagpasiyahan na ang mga araw niya,Nasa kamay mo ang bilang ng mga buwan niya;Nagtakda ka ng limitasyon para hindi siya lumampas dito.+  6  Alisin mo ang tingin mo sa kaniya para makapagpahinga siya,Hanggang sa matapos niya ang araw niya, gaya ng upahang trabahador.+  7  Dahil may pag-asa kahit ang isang puno. Kung putulin ito, tutubo itong muliAt sisibol ang mga sanga nito.  8  Kung ang ugat nito ay tumanda na sa lupaAt matuyo ang tuod nito,  9  Tutubo ito kapag nakaamoy ng tubig;At sisibol ang mga sanga nito, gaya sa batang halaman. 10  Pero ang tao ay namamatay at nawawalan na ng lakas;Kapag namatay ang tao, nasaan na siya?+ 11  Naglalaho ang tubig sa dagat,At nauubos ang tubig sa ilog at natutuyo. 12  Ganiyan din ang tao; humihiga siya at hindi na bumabangon.+ Hangga’t may langit, hindi siya gigising,At walang makagigising sa kaniya mula sa pagkatulog.+ 13  O itago mo nawa ako sa Libingan;*+Itago mo ako hanggang sa mawala ang galit mo;Magtakda ka nawa ng panahon at alalahanin mo ako!+ 14  Kung mamatay ang isang tao, mabubuhay pa ba siyang muli?+ Sa lahat ng araw ng aking sapilitang pagtatrabaho, maghihintay akoHanggang sa dumating ang kaginhawahan ko.+ 15  Tatawag ka, at sasagot ako.+ Mananabik ka sa* gawa ng iyong mga kamay. 16  Pero sa ngayon, lagi mong binibilang ang mga hakbang ko;Kasalanan ko lang ang binabantayan mo. 17  Ang pagsuway ko ay nakalagay sa isang selyadong sisidlan,At nilalagyan mo ng pandikit ang sisidlan ng pagkakamali ko. 18  Kung paanong gumuguho ang bundokAt naaalis ang malaking bato sa kinalalagyan nito, 19  Kung paanong nasisira ng tubig ang mga bato,At ang lupa ay natatangay ng agos nito,Gayon mo inaalis ang pag-asa ng taong mortal. 20  Dinaraig mo siya hanggang sa pumanaw siya;+Binabago mo ang hitsura niya at pinaaalis siya. 21  Pinararangalan ang mga anak niya, pero hindi niya iyon nakikita;Binabale-wala sila, pero hindi niya iyon nalalaman.+ 22  Nakadarama lang siya ng kirotAt nagdadalamhati habang buháy pa siya.”

Talababa

O “kaligaligan.”
O posibleng “pinuputol.”
Lit., “ako.”
O “At dinala mo siya sa korte bilang kalaban mo sa batas.”
O “Sheol.” Tingnan sa Glosari.
O “Mimithiin mo ang.”