Job 18:1-21

  • Ikalawang pagsasalita ni Bildad (1-21)

    • Sinabi ang mangyayari sa mga makasalanan (5-20)

    • Pinalalabas na hindi kilala ni Job ang Diyos (21)

18  Sinabi ni Bildad+ na Shuhita:  2  “Hanggang kailan ka magsasalita nang ganiyan? Magpakita ka naman ng unawa para makapagsalita kami.  3  Bakit mo kami itinuturing na mga hayop,+At bakit mangmang* ang tingin mo sa amin?  4  Kahit pa luray-lurayin mo ang sarili mo dahil sa galit,Pababayaan ba ang lupa para sa iyo?O aalisin ba ang malaking bato sa puwesto nito?  5  Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin,At hindi magliliwanag ang liyab ng kaniyang apoy.+  6  Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda,At ang lampara niya* ay papatayin.  7  Ang malalaki niyang hakbang ay liliit,At mabubuwal siya dahil sa sarili niyang plano.+  8  Dahil aakayin siya ng paa niya sa isang lambat,At tatapak siya sa ibabaw nito.  9  Mabibitag siya sa kaniyang sakong;Isang patibong ang huhuli sa kaniya.+ 10  Isang tali ang nakatago sa lupa para sa kaniya,At isang bitag ang nakaumang sa dadaanan niya. 11  Saanman siya bumaling ay may tumatakot sa kaniya,+At sinusundan siya nito sa bawat hakbang. 12  Nauubos ang lakas niya,At susuray-suray* siya dahil sa kasakunaan.+ 13  Naaagnas ang balat niya;Inuubos ng pinakanakamamatay na sakit* ang mga binti at braso niya. 14  Inilalayo siya mula sa proteksiyon ng tolda niya+At dinadala sa hari ng kakilabutan.* 15  Mga estranghero* ang titira sa tolda niya;Sasabuyan ng asupre ang tahanan niya.+ 16  Ang mga ugat niya ay mamamatay,At ang mga sanga niya ay matutuyot. 17  Mabubura sa lupa ang alaala tungkol sa kaniya,At hindi na maaalaala ng mga tao ang pangalan niya.* 18  Itataboy siya mula sa liwanag tungo sa kadilimanAt palalayasin sa mabungang lupain. 19  Hindi siya magkakaroon ng supling o inapo sa gitna ng bayan niya,At walang isa mang matitira sa sambahayan niya sa lugar na tinitirhan niya.* 20  Kapag dumating ang araw niya, magigitla ang mga tao sa KanluranAt mababalot ng takot ang mga tao sa Silangan. 21  Iyan ang nangyayari sa mga tolda ng gumagawa ng masamaAt sa lugar ng taong hindi nakakakilala sa Diyos.”

Talababa

O posibleng “marumi.”
Lit., “lampara sa ibabaw niya.”
O “iika-ika.”
Lit., “ng panganay ng kamatayan.”
O “sa kahindik-hindik na kamatayan.”
Lit., “Isang bagay na hindi kaniya.”
Lit., “At wala siyang pangalan sa lansangan.”
O “lugar kung saan siya pansamantalang naninirahan.”